^

PSN Showbiz

Ryza, napa-yes dahil kay Ruru

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ryza, napa-yes dahil kay Ruru
Ryza Cenon
STAR / File

Muling makagagawa ng proyekto si Ryza Cenon sa bakuran ng GMA Network. Kabilang ang aktres sa Hari ng Tondo na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Dennis Trillo.

Matatandaang unang sumikat si Ryza bilang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 2 noong 2004. Lumipat naman ang aktres sa ABS-CBN noong 2018. “Actually, walang dalawang-isip. Nag-yes ako agad, siyempre, sabi nga nila, kahit saan ka magpunta, kanino ka pa rin ba babalik? Sa mother mo, sa mother network mo pa rin siyempre,” nakangiting bungad ni Ryza sa GMA News Online.

Masayang-masaya ang aktres dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng dating mga katrabaho sa Kapuso network. “Sobrang blessed ko na mainit ‘yung pagtanggap sa akin and hindi pa rin ako nakakalimutan nina Miss Camille (Hermoso, Senior Program Manager) and Direk Enzo (Williams). Kasi nakatrabaho ko na sila,” dagdag niya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho ni Ryza si Ruru. Ayon sa aktres ay kaabang-abang ang kanyang gagampanang karakter sa bagong GMA Prime series. “First time ko makakatrabaho si Ruru sa project na ‘to. Isa ‘yon sa nagpa-yes sa akin. Buti nga dito mas main character na (‘yung gagawin ko). Hindi na siya guest character,” pagtatapos ng aktres.

Cesar, may paalala sa kalikasan

Mapapanood simula ngayong June 3 sa piling mga sinehan ang Muro-Ami na pinagbidahan ni Cesar Montano. Umani ng maraming parangal noon ang naturang Metro Manila Film Festival 1999 entry. Lubos ang kaligayahan ni Cesar nang malamang muling mapapanood ang digitally-remastered film. “I’m very excited. No’ng marinig ko magkakaroon, nakita ko pa lang ‘yung trailer, tuwang-tuwa na ako. So ngayon, I was jumping up and down. Masaya ako dahil nabuhay ulit siya sa pelikula. And nakakatuwa, walang AI (artificial intelligence) ito. Ladies and gentlemen, digitally remastered only. No AI ito, mapapanood as is, where is at as is. Kaya maganda po na panoorin,” pagbabahagi ni Cesar.

Para sa beteranong aktor ay kailangang mapanood lalo na ng mga kabataan ngayon ang naturang 1999 film. Si Jun Lana at ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang sumulat ng istorya ng pelikula. Ang namayapang direktor naman na si Marilou Diaz-Abaya ang gumawa ng naturang proyekto mula sa GMA Pictures. “Kung ano ‘yung napanood before, luminaw lang siya, pero parang bago pa rin. Parang first time ko rin siyang pinanood. ‘Yung paninikip ng dibdib mo habang pinanonood mo, ando’n pa rin. Ibang klase,” giit ng bida ng pelikula.

Muling ipaaalala ng makabuluhang proyekto sa mga manonood ang pag-iingat at pagpapahalaga sa kalikasan o yamang-dagat. “Ito po ay sumasakop sa pag-iingat sa dagat. Kasi sila ay gumagamit sa pangingisda, nagsisira sila ng coral. Limang taon ‘yan bago tumubo ng one inch, sisirain mo lang ng ilang segundo,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

RYZA CENON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with