Angela, todo ang pagti-training!

Wow may branch na sa Pilipinas ang sikat na gym na exclusively for women sa Japan, ang Spice Up Fitness.
Na parang first time sa bansa na mayroong ganu’ng gym, para lang sa mga kababaihan.
Meron kasing ibang nako-conscious ‘pag may mga lalaking kasama sa gym kaya naman very favorable ito sa ladies na gustong magbabad sa gym na sila-sila lang.
At ang isa sa agad nag-training sa Spice Up Gym, ang Viva star na Angela Muji.
Meron siyang personal trainor na nakatutok at intense ang training ni Angela upang mas maging fit.
Glowing and fit na actually ang katambal ni Rabin Angeles, pero parang type niyang maging Ms. Body Beautiful
Samantala, ang ganda ng attitude ni Angela sa team-up nila ni Rabin — kilala rin bilang RabGel.
Alam daw nila ang kanilang samahan, at sinabing hindi nila kailangang magpanggap sa harap ng kamera dahil totoo ang kanilang koneksyon.
Kilala na raw nila ang isa’t isa at ipinapakita nila ang kung ano sila off-cam.
May ilan kasing nang-iintriga sa kanilang relasyon na kesyo BFF lang naman ang kanilang turingan. “We know each other so well, and we show kung ano behind the camera. We don’t have to fake it because our connection is real,” banggit ni Angela sa isang interview kamakailan.
“Lagi kaming nandiyan para sa isa’t isa, and kahit anong mangyari, team kami. Tulungan kami hanggang maabot namin ang pangarap namin,” dagdag pa niya.
Matapos ngang mapansin ng mga manonood sa Wattpad series adaptation na Seducing Drake Palma at A Werewolf Boy, nagbibida sila ngayon sa Viva One Originals: RabGel.
At dito mas pinatutunayan nila na hindi lang basta pagpapakilig ang kaya nilang ipakita, kundi patutunayan nila na ang hugot ang kanilang mga acting.
Ang Viva One Originals: RabGel ay binubuo ng apat na stand-alone episodes na magpapalakas ng kanilang tambalan at kanya-kanyang talento.
Dalawa sa apat na episodes ang magtatampok kina Rabin at Angela bilang magkapareha, habang ang dalawa pang episodes ay magkahiwalay na kwento kung saan haharap sila sa mga panibagong hamon sa labas ng tambalan.
Kaya naman ayon sa actress dahil sa sobrang tagal na nilang magkakilala, parang wala na silang ma-di-discover pa. Kabisado na raw nila ang bawat pitik, mood. “Wala kaming na-discover na something new kasi comfortable kami sa isa’t isa and kilala namin ang isa’t isa. Kung sino kami sa camera, gan’un din kami off-cam. Walang difference.”
Na sinang-ayunan ni Rabin: “Mas madaldal na kami sa isa’t isa. Wala kaming tinatago, lahat ng pinapakita namin totoo, minsan sumosobra pa nga sinasabi ko.”
- Latest





















