^

PSN Showbiz

Eman, ‘di kayang labanan si Jimuel

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Eman, ‘di kayang labanan si Jimuel
Eman
STAR/ File

Parehong premyadong boksingero ang mga anak ni Manny Pacquiao na sina Jimuel at Eman.

Kasalukuyang nakabase sa Amerika si Jimuel habang si Eman naman ay sa North Cotabato naninirahan. Lumuluwas lamang sa Maynila si Eman kapag may trabaho bilang isang aktor. Kung sakaling magkakaroon ng boxing match sina Jimuel at Eman ay hindi raw ito tatanggapin ng huli. “Support po ako sa career niya. Unang-una, hindi po, kasi kapatid ko po siya. Tsaka wala naman pong kasiyahan na mangyari do’n, kung matalo man o manalo ka sa kapatid mo. Siyempre ayaw din ‘yon ni dad, ayoko rin masaktan si daddy do’n. Tsaka I really love you, Kuya (Jimuel),” nakangiting pahayag sa amin ni Eman sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon kay Eman ay maayos ang kanilang turingan ng mga anak nina Manny at Jinkee Pacquiao. Anak ang binata ni Manny kay Joanna Rose Bacosa. “Maayos naman po, very supportive po sila sa akin. Lahat naman po (malapit sa akin),” giit niya.

Kamakailan ay naging palaisipan sa netizens ang cryptic post ni Eman sa social media na, “I can fight 100 men who wants you, but I can’t fight a guy who you want.” “Natuwa lang po ako sa post. Tsaka naisip ko po na marami makaka-relate po do’n. Siyempre lalo na sa mga cousins mo. Kung may cousin kang babae o kapatid na babae. Parang you’re just being protective,” paliwanag ng baguhang aktor.

Napaisip din ang marami sa pagkakatanggal ng inisyal na ‘JW’ na may puso sa bio ng TikTok account ni Eman. Malinaw para sa netizens na si Jillian Ward ang tinukoy ni Eman. “Tinanggal ko lang po ‘yon kasi ‘pag nando’n po ‘yun iniisip ng tao si Jillian. Na-associate sa kanya. Kaya since we’re good friends, tinanggal ko po ‘yon kasi ayaw ko siya magkaroon ng issue,” paglilinaw ng binata.

Magkatrabaho ngayon sina Eman at Jillian sa Never Say Die ng GMA Network. Bago ito ay unang nagkita ang dalawa sa premiere night ng pelikula ni Jillian na KMJS’ Gabi Ng Lagim: The Movie noong Nobyembre na dinaluhan ni Eman. Pumunta rin sa Bohol si Jillian upang panoorin ang boxing match ni Eman noong Pebrero. Inamin sa amin ni Eman noong Nobyembre na si Jillian ang kanyang crush sa show business. Isang masayang karanasan para kay Eman na makilala nang personal ang dalaga. “Mixed, kinakabahan, masaya, blessed. Siyempre nakakilala ako ng artistang katulad niya. Napapanood ko lang siya dati sa TV. Masaya kasi nando’n na ako sa sitwasyon na nakilala ko na si Jillian. Maraming, maraming salamat, Jill, sa pag-support mo, siyempre sa family mo, saka sa genuine na...” natatawang pagtatapos ni Eman.

(Reports from JCC)

EMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with