jinkee, pinagsawaan ng bashers

Parang sumuko na ang bashers kay Jinkee Pacquiao.
Yes, kung noon nga ay pulos kanegahan ang komento sa mga post ng misis ng boxing icon na si Manny Pacquiao, ngayon waley na silang masabi.
Natameme ang mga basher.
Although limited ang pwedeng mag-comment sa kanya, pero kahit na, napagod na ang bashers sa kakapintas kay Jinkee na dedma naman all the way sa kanila.
Sa kasalukuyan ay nasa Amerika sila ni Manny na naging speaker sa United Nations.
Ang dami niyang post ng iba pang mga larawan ng kanilang pagbisita sa Yankee Stadium sa New York, USA kung saan ang mister na boxing icon ay pinarangalan na maghagis ng ceremonial ball. (SVA)
- Latest





















