^

PSN Showbiz

Bossing Vic at Vice, may major collab Sa MMFF?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bossing Vic at Vice, may major collab Sa MMFF?!
Bossing Vic at Vice
STAR / File

Ipinost na sa social media account ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang sche­dule para sa MMFF 2026.

Sa May 15 ang deadline ng submission ng Letter of Intent. Sa mga interesadong sumali ngayong taong filmfest, magpadala muna ng letter of intent sa email nila na [email protected].

Ang script naman ay kailangang mai-submit on or before 5 ng hapon ng June 15, 2026. At ang finished film naman ay on or before 5 p.m. ng Sept. 30, 2026.

May mga naririnig na tayong pinag­hahandaang material para sa naturang filmfest. Meron daw para sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, posibleng collaboration nina Vic Sotto at Vice Ganda, at meron pang magagandang mate­rials na pinaghahandaan ang Star Cinema, Viva Films at Regal Entertainment.

May iba pang independent producers na nag-iisip ng magandang isa-submit sa MMFF, pero alam naman nilang ipa-prio­ritize pa rin ang malalaking film companies.

Totoo bang may magandang script daw ang Mavx Productions na pagbibidahan ng SexBomb dancers? Kainitan kasi ngayon ng SexBomb, kaya malay natin hanggang sa pelikula ay waging-wagi sila.

Pero ang isa pa raw na pinaghahandaan ng iba ay mga pelikulang pambata dahil ilang taon na ring wala talagang pambata kagaya ng mga ginagawa noon nina Bossing Vic, Bong Revilla, at ang iba pang komedyante.

Si Vice Ganda naman ay medyo nagseseryoso na raw dahil pang-acting award na siya nakatuon. Pero ayon sa ilang film producers na napagtanungan ko, medyo nag-aatubili na raw sila ngayon dahil sa kinakaharap nating krisis.

Nagdadalawang-isip na raw sila dahil wala pa tayong katiyakan kung ano ang kahihinatnan natin sa lumalalang giyera sa Middle East.

Ang post nga ni Roselle Monteverde ng Regal kahapon, “How can we stay ‘business as usual’ when rising costs and crisis are changing how people spend?”

May iba pang producers na napagtanu­ngan namin ay naalangan ding magsugal sa panahon ngayon na hindi na alam ng mga tao kung paano malagpasan ang hirap ng buhay sa patuloy pa ring pagtaas ng gasolina.

Bukod pa riyan ay shortened ang pagbukas ng malls, siyempre, nabawasan din ng scree­ning time ang mga pelikulang ipalalabas.

Saka, sa hirap ng buhay ngayon, ipa-prio­ritize pa ba nila ang panonood ng sine? “‘Katakot na walang pera sa ganitong panahon. Dapat liquid ka,” text sa akin ng isang kilala ring movie producer.

Tama rin naman!

Hirap ngang kumita ang MMFF nung nakaraang taon, ngayon pa kaya na halos triple na ang presyo ng gasolina at mas mahirap pa ang buhay.

Ang movie industry talaga ang isa sa unang apektado noong nakaraang pandemya. Tiyak na ganun din ang mangyayari na mas masahol pa raw ito sa pandemic na dala ng COVID-19.

Jeff Moses, umaasang magiging bida!

Thankful ang Sparkle artist na si Jeff Moses, dahil pagkatapos ng napakasuccessful na performance niya sa Bagets The Musical, hindi naman daw siya pinabayaan ng GMA 7.

Suportado siya ng bosses ng GMA 7 at ng Sparkle na talagang nagbigay sila ng oras para panoorin siya sa naturang musical play. Bukod pa riyan ay binigyan naman daw siya ng magandang projects.

“Happy ako, kasi they always give me projects agad and that’s something na hindi siya always nangyayari sa isang artist. Sobrang bait and generous sa akin ng GMA.

“They always give me work talaga,” bulalas ni Jeff nung makatsikahan namin sa last performance ng Bagets The Musical sa Newport Performing Arts Theater.

Isinama si Jeff sa bagong action-drama ng GMA 7 na Task Force: Firewall, na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Kylie Padilla. Nagustuhan daw niya ang role. Pero nandiyan pa rin daw ang wish niyang sana ma­bigyan din siya ng drama series na isa siya sa bida.

“God’s will of course na magkaroon ng lead na role. Siyempre, buong puso na tatanggapin ko talaga,” napangiting tugon ni Jeff.

Hindi rin siya nagpahuli sa Bagets The Musical at nakita naman talaga ang talent niya. Pero bahala na raw ang Sparkle kung ano ang plano nila sa kanyang showbiz career.

“Siyempre, hingi rin ako ng advice at tulong nila. I trust them… ibibigay ko po ‘yung full trust sa management, sa GMA. For everything,” sabi pa nito.

Hinding-hindi makakalimutan ni Jeff ang experience niya sa Bagets, at sabi nga niya, ito na raw ang pinakamalaking proyektong nagawa niya. Kahit nakapagbida na siya sa Under a Piaya Moon at nag-Best Actor pa siya sa pelikulang ‘yun.

“Kaya ko po nasabi na ito ‘yung pinakamalaking project na nagawa ko, kasi hindi lang po ako ‘yung bida e. Sampu kami ‘yung bida, with the moms din. It’s something new kasi. Alam naman po ng lahat na theater is really different, and being part of a production na ganito kalaki is really something. Kaya ko siya nasabi na ito ‘yung pinakamalaking project na nagkaroon ako,” saad ni Jeff Moses.

MMFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with