Aga, jackpot sa pangingisda!

Hindi makapaniwala si Aga Muhlach na nakahuli siya ng napakalaking isda.
Sunud-sunod ang post ng actor kahapon na ipinapakita ang kanyang huling isda.
Walang nabanggit si Aga kung saan sila nag-fishing. Tho ang alam namin laging sa Batangas. “What a morning!!!!! Unbelievable!!!!” aniya sa isang nahuli niya kahapon, Sabado de Gloria.
Chill-chill na lang si Aga ngayon. Hinahayaan na lang niya ang mga anak na kambal na sina Andres at Atasha Muhlach na maging busy sa showbiz.
Sila ng misis niyang si Charlene, ini-enjoy na lang ang buhay.
- Latest























