^

PSN Showbiz

Eman, gustong magpa-train kay Manny!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Eman, gustong magpa-train kay Manny!
Eman Bacosa Pacquiao at Manny Pacquaio
STAR? File

Nangangarap si Eman Bacosa Pacquiao na makilala sa larangan ng boksing katulad ng amang si Manny Pacquiao. Nais ni Eman na magsilbing inspirasyon para sa mga kabataan.

“Siyempre to become a world cham­pion, to become a great boxer na ina-admire ng mga kabataan. From no one to someone, parang gano’n,” bungad ni Eman.

Pinapayuhan umano ng ama ang binata upang maging mahusay rin na boxer. Posibleng magkasama sina Manny at Eman sa mga susunod na boxing training o boxing match.

“Maybe sa next fight kaya abangan n’yo na lang po. This year, yes. Ina-advise niya po ako minsan sa training na always stay disciplined. Kumain nang tama. Matulog sa tamang oras. I eat healthy food, I exercise. I keep my body shaped all the time para rin sa mga fight. Para kapag mayroon akong fight, hindi ako mahirapan mag-reduce ng timbang o magpa-condition ng katawan,” pagbabahagi niya.

Ngayon ay mapapanood na rin si Eman sa Never Say Die bilang isang aktor. Pinagbibidahan ang naturang GMA Prime series nina Jillian Ward at David Licauco.

Ito ang kauna-unahang proyekto ni Eman bilang isang aktor sa harap ng kamera. Kahit abala na rin ngayon sa show business ay sinisigurong hindi pababayaan ni Eman ang pagboboksing.

“Yes, na-enjoy ko at kinabahan ako at the same time. Gano’n pala kahirap ‘yon. My priority right now is professional boxing. ‘Yung sa show business ay kapag wala pa akong laban. Kapag matapos ‘yung mga boxing, nandoon na ako sa mga endorsements. Focus, one at a time,” paglalahad ng baguhang aktor.

Jasmine at Royce, susubok sa teatro

Magtatambal sa stage play adaptation ng Cinemalaya film na Endo sina Jasmine Curtis-Smith at Royce Cabrera. Ayon kay Jasmine ay talagang malaki ang pagkakaiba ng ginagawang trabaho sa pelikula at teatro.

“Pinakauna talaga wala kang take 2. ‘Yan talaga ‘yung pinaka-kailangan mong i-build na strength, tiwala sa sarili. ‘Yon ang kailangan mo pagsampa sa stage,” nakangiting pahayag ni Jasmine.

Gagampanan ni Jasmine ang karakter ni Tanya habang karakter naman ni Leo ang gagampanan ni Royce. Mapapanood sa PETA Theater mula Abril hanggang Mayo ang Endo.

“Sa teatro talaga kailangan mong ibigay 101% ang katawan mo, kung anong kayang ibigay ng katawan mo. Kasi sabi nga ni Jas, walang take 2. So simula na umilaw ‘yan sa entablado, wala nang alisan ‘yan,” dagdag naman ni Royce .(Reports from JCC)

EMAN BACOSA PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with