^

PSN Showbiz

Andre: ‘parang dalaga si mommy ngayon’

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andre: ‘parang dalaga si mommy ngayon’
Aiko at Andre
STAR/ File

Masaya si Andre Yllana para sa buhay-pag-ibig ng inang si Aiko Melendez. Madalas na nakikitang magkasama ngayon ang aktres at si Onemig Bondoc. Suportado umano ng binata ang mga bagay o pangyayaring nakapagpapasaya sa ina.

“Parang dalaga si mommy ngayon. She is really happy. Pa-out-of-town lang nang pa-out-of-town. Nakikita ko sila, napapa-‘Sana all’ ka na lang. Happy talaga sila. Aaminin ko, minsan cringe ako ‘pag nagti-TikTok sila. But this must be love. Go, masaya ka, Mommy. Unspoken na ever since dati, ‘pag gusto niya ulit, basta mahal mo at masaya, go. Dati sinasabi niya sapat na kami sa kanya. ‘Pag ‘di naman siya pagpalain, nandito kami, Ma,” makahulugang pahayag ni Andre.

Si Andre ay anak ni Aiko at dating asawang si Jomari Yllana. Ang nakababatang kapatid ni Andre na si Marthena ay anak naman nina Aiko at Martin Jickain. Ayon kay Andre ay talagang napalapit na rin ang loob ni Onemig sa kanila ni Marthena.

“Okay si tito. Nakaka-relate siya sa akin, when it comes to dad issues. Maganda advice, he gives advice. I can see he is really trying to be close to us,” pagtatapat ng binata.

Michael, maagang rumaket

Hindi naging madali ang buhay noon ni Michael Sager sa Canada. Sa murang edad ay natutong maghanap-buhay si Michael bilang isang ice cream scooper upang makatulong sa mga magulang.

“Hindi komportable ang buhay ‘pag lumilipat abroad. As much as we say na nasa ibang bansa kami. Just like them, and like me. We started from scratch. Talagang walang-wala. So kailangang maghanap ng trabaho, gumawa ka ng community, family and stuff like that. My parents were the reason, they’re my role models kung bakit ako ganito ka-determined, kung bakit I’m so hungry for goals. At the age of four, si Papa, he works two jobs, so does my mom. At the age of 12, I auditioned to be an extra. Kasi I wanted to have my own allowance na for myself. So I don’t have to rely on my parents. I got my first job at 16 and I told myself, ‘Oh! Ma, ‘pag school ko na, ako na bahala sa pamasahe ko, baon,’” nakangiting kwento ni Michael sa 24 Oras.

Labingpitong taong gulang noon ang Kapuso actor nang makabili ng kauna-unahang kotse dahil na rin sa kabi-kabilang trabaho.

“I really worked during school and then during summer, nakapag-ipon po ako noon to buy my first car. And then after that, I worked in the retail store selling shoes,” dagdag pa niya.

Ngayon ay patuloy na namamayagpag ang karera ni Michael sa show business pagkatapos maging housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong isang taon. Nakapagpundar na rin ng sariling bahay ang binata.

“When I got evicted from Pinoy Big Brother, sakto, that was the day that they landed in the Philippines. I had no idea when they were coming. A week later, I was able to move into my house, and I’m so thankful for that. They were able to see it and they were able to live in it. We were able to build it together. Kumbaga, ‘yung loob kasi empty ‘yon eh. Nakatulog kami sa sahig. Wala talaga as in walang-wala. Puno na ‘yung bahay for me kasi nando’n lahat ‘yung family,” masayang pagbabahagi ng Kapuso actor.   (Reports from JCC)

ANDRE YLLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with