^

PSN Showbiz

AJ Raval, ­nagkaroon ng depression

RATED A. - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

In a way, naging blessing in disguise ang pag-amin ni AJ Raval on national television tungkol sa kanyang mga anak hindi lamang kay Aljur kundi maging ang dalawang nauna niyang anak sa ibang karelasyon na ang isa ay namayapa na.

Si AJ ay naging ina sa edad na 17 at ang kanyang panganay na anak na si Ariane Eliz ay eight years old na nung nakaraang Dec. 13, 2025. Ipinanganak si Ariane nung Dec. 13, 2018.

Matagal na panahon ding naitago ni AJ ang kanyang pagkakaroon ng mga anak. Ang maganda pa, very close kay AJ at sa mga anak nila ni Aljur ang dalawang anak ng actor sa dati nitong misis na si Kylie Padilla na sina Alas at Axl.

Kylie is co-parenting her two sons with Aljur and she lets her children get close sa tatlong anak ng kanyang ex-husband.

Samantala, sa aming exclusive na panayam sa ama ni AJ na si Jeric Raval para sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo sa aming YouTube channel, inamin ni Jeric na meron na umano siyang 15 apo mula sa ilan sa kanyang 18 anak sa magkakaibang ina.

Liban sa mga anak ni Jeric na nasa ibang bansa, kumpleto umano ang kanyang mga anak at mga apo nung nakaraang Christmas holidays na lahat magkaka-close.  At close rin ang kanyang mga anak sa ibang babae sa kanyang wife na si Holiday. Katunayan, si AJ ay sa wife ni Jeric na si Holiday lumaki at hindi sa kanyang biological mother, ang aktres na si Alyssa Alvarez. Ultimo si Alyssa ay close kay Holiday na kasamang nag-spend ng Christmas with Jeric’s family.

Inamin sa amin ni Jeric na hanggang ngayon ay close siya sa mga ina ng kanyang mga anak laluna sa dating aktres na si Monica Herrera kung kanino siya may tatlong anak na madalas umano niyang dalawin magmula nang ito’y ma-stroke. Ang hindi lamang daw niya nakikita ay ‘yung mga dati niyang karelasyon na nasa ibang bansa.

May isang anak si Jeric na si Noriko na nasa Japan kasama ang ina nito. Si Noriko ay nag-aartista na rin sa Japan pero gusto nitong subukan ang Philippine showbiz na kinabibilangan ng kanyang amang si Jeric at half-sister na si AJ.

Ikinuwento pa ni Jeric sa aming panayam sa kanya na na-depress umano si AJ nang ito’y sumubok mag-audition noon sa TV5 pero hindi natanggap kaya ito’y huminto sa pangarap niyang mag-showbiz. Pero ganun na lamang ang pagkabigla ng actor nang malaman niyang lumagda ito ng kontrata sa Viva at nagpapaseksi na.

Ang Viva rin ang tumulong kay Jeric nang ito’y magbalik-showbiz matapos magkaroon ng lull ang kanyang showbiz career pagkatapos ng kanyang reign bilang action star sa bakuran ng OctoArts Films.

Kinu-consider naman ng actor na ‘trophy wife’ ang kanyang misis na si Holiday dahil hindi umano siya iniwan sa mga panahong kabi-kabila ang kanyang relasyon sa iba’t ibang babae.

“Napatawad niya ang mga kasalanan ko,” natatawang pahayag ni Jeric na isa na umanong good boy ngayon.

AJ RAVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with