Loisa, nanganak na!

Nanganak na si Loisa Andalio sa panganay nila ni Ronnie Alonte.
Walang ibinigay na details ang mag-asawa pero naka-post sa Instagram pages nila ang larawan ng sanggol at may caption na “Meet our Nili.”
Nauna nang ipinakita ni Loisa ang kanilang photos ng excitement sa pagdating ng kanilang baby girl.
Buntis na si Loisa nang ikasal sila noong Nov. 27, 2025.
Pero bago lumobo ang tiyan ni Loisa ay nakatapos siya ng isang pelikula, ang Midnight Girls, na kinunan ang mga eksena sa Nagoya, Japan. Tungkol ito sa apat na Pilipina na entertainer na nagkaisa na lumaban habang hinaharap ang mga pagsubok ng kanilang mga trabaho.
Kasama niya sa pelikula sina Jodi Sta. Maria, Sanya Lopez at Jane Oineza na mapapanood sa mga sinehan sa May 13.
- Latest



















