K Brosas, pinatulan si Alvin!

Hindi napigilang isiwalat ni K Brosas ang galit niya sa mga pasabog uli na pahayag ni Alvin Aragon sa isang interview sa kanya sa YouTube channel.
Muli niyang kinondena ang mga miyembro ng LGBTQIA, at pati mga magulang nila.
Sabi niya na kung saan may mga binanggit pa siyang pangalan, “Si Gloc-9, tuwang-tuwa. Ginawan pa ng kanta ‘yung anak niya.
“‘Yun ba ikinalulugod ng Diyos? Palakpakan mo ‘yung lalaki mong anak na ginawa niya na nagpakabakla? Wohh!
“Si K Brosas, tuwang-tuwa. Si Ian Veneracion, tuwang-tuwa.”
Kaagad na nag-post si K Brosas ng video nito sa kanyang Facebook account. Galit siyang nag-react sa mga sinabi Alvin.
“Galit na galit, gusto manakit, kuya? Alam ko trending ka for how many weeks na ba? O how many days? Hindi ko alam!
“Ayoko sana magsalita. Kaso, binanggit mo ‘yung pangalan ko, kuya, e. Binanggit mo kami e. Parang kinondena mo kami dahil inaano namin ‘yung tanggap namin ‘yung mga anak namin? Dahil members ng LGBTQ?
“Anong pakialam mo? May ambag ka ba kahit nung pre-school? Oo? Nagbigay ka ba ng baon? Charot lang! Iba ‘yung galit mo, kuya.”
Iniiwasan ni K na pag-usapan ‘yung Bibliya. Lalo na’t lagi raw binabanggit ni Alvin ‘yung Sodom and Gomorrah.
Kaya idinaan na lang ni K sa biro ang pagkuwestiyon sa mga pahayag ng dating StarStruck avenger.
Sabi pa ni K Brosas, “Sa totoo lang, nairita ako sa totoo lang. Kasi ‘yung galit mo sa mga member ng LGBTQIA... hindi lang sa member ng LGBTQIA… sorry medyo nag-aano ako. ‘Yung galit niya sa pananamit, ‘yung mga songs and everything. So ilan na lang kayo pupunta sa langit? Pito?
“Naniniwala ako sa Lord ay accommodating. Hindi ‘yan magtatanong, ‘pag namatay ako, tanungin Niya… ang titingnan niya ‘yung laman ng puso ko. Ganun ‘yung feeling ko!
“Ang sasabihin ko lang, hangga’t wala kayong inaapakang tao, naniniwala si Lord… may sarili akong relationship kay Lord.”
Pinagsabihan din niya si Alvin na ayusin itong mga pahayag niya na lumalabas silang masamang magulang.
“Kuya, dahan-dahan din. Puwede kang magsabi ng opinyon mo. Pero para i-drag ‘yung pangalan namin na akala mo ang sama naming magulang, medyo nakaano ka dun, kuya. Sinasabi ko sa ‘yo.”
Sa totoo lang, ang dami nang nag-react dito sa mga sinasabi ni Alvin Aragon.
Ngayon lang talaga siya nagmarka sa showbiz, gayung hindi naman siya napansin nung nag-aartista siya.
Si Alvin ang kauna-unahang natanggal sa StarStruck 1 na napanalunan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.
Nag-artista siya, pero never niya naranasang magbida kundi pawang supporting roles lang.
Ngayon lang bumida si Alvin dahil sa matinding pambabatikos nito ayon sa paniniwala niya sa mga salita ng Diyos.
Kaya lang, ang dami nang naglabasan sa mga dati niyang ipino-post noong inaamin niyang nalulong siya sa droga.
Ngayon may dagdag pang pasabog laban sa kanya, nang nagsalita naman sa X ang trans woman na anak ng asawa niyang si Izzy Trazona.
Lumabas naman ngayon sa social media ang bagong pahayag ng anak ni Izzy na si Sofia, na ibinunyag nitong sinasaktan daw siya noon ni Alvin.
“To be honest, I’m tired, I’m hurting, and pagod na din akong mag-defend and proteksyunan ‘yung nanay ko. Sa lahat na mga interview, sa lahat na mga nangyari dito sa social media, napapagod na din ako.”
Gusto na raw sana niyang tapusin na ito dahil hindi raw niya alam kung ano ang pinanggalingan ng galit na nararamdaman ni Alvin Aragon.
“To be honest, dapat naman... hindi ba? Full of love tayo e. Pero wala naman kasi talagang perfect na Christian.”
Doon na niya ibinunyag ang pananakit diumano ni Alvin sa kanya.
“I even protected you sa isang interview. Hindi ko nga sinabi na sinakal mo ako ‘di ba? Pero ‘yun talaga ‘yung totoong nangyari. I even choked for how many seconds, bago mo tinigil ‘yung sakal na ‘yun.
“Pero nung time na ‘yun, hindi ko pinersonal ‘yun dahil akala ko nung time na ‘yun normal lang ‘yung ganung pagdidisiplina. Pero habang lumalaki ako, e mali pala talaga ‘yun. Pagod na pagod na ako. Tama na. Wala akong intensyon na sirain ka.”
Kung totoo man itong mga pahayag ni Sofia Trazona, hindi ko maisip sa ngayon kung paano pinapalaki nina Alvin at Izzy ang kanilang mga anak.
- Latest





















