Derek, tiklop na kay Ellen

Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ni Derek Ramsay mula nang maghiwalay sila ni Ellen Adarna noong isang taon. Taong 2021 nagpakasal ang dalawa at nabiyayaan ng isang anak na si Liana. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa mga mahal sa buhay na palaging nakasuporta sa kanya.
“I’m happy that I have friends and family kasi lost talaga ako. I was lost. During times like that, you can easily make wrong decisions. It came to a point na I was like, ‘Alam mo, God, Lord, binibigay ko na ‘sa ‘Yo ‘to.’ Ayun, binigyan Niya ako ng lakas to again focus on me, rebuild, reflect, take care of my health, be strong for my parents. Minsan nakikita ko silang nasasaktan or may sakit, ako ‘yung nara-rattle. Pero I’m working on that, binigay ko na lahat sa Kanya,” makahulugang pahayag ni Derek sa YouTube channel ni Morly Alinio.
Para sa aktor ay isang matinding pagsubok lamang sa kanyang buhay ang mga pinagdaanan noong isang taon. Mas napalapit umano si Derek sa Panginoon dahil sa mga nangyari.
Ayon kay Derek ay mas pinili niyang manahimik na lamang kung ano man ang naging problema nila ni Ellen noon.
“Out of respect, ayoko nang magsalita sa situation na ‘yan. Ayoko nang ma-misunderstood, to be put in a different way. I just want to keep my mouth shut,” giit ng aktor.
Ashley at Mavy, first time sa Japan
Nag-cross over sa Hating Kapatid ang karakter ni Ashley Ortega bilang si Angel sa bagong serye na Apoy sa Dugo. Agad daw na nag-taping ang aktres at nakaeksena ang kasintahang si Mavy Legaspi pagkauwi mula sa Thailand. Kasamahang bida ni Mavy sa Hating Kapatid ang kakambal na si Cassy at mga magulang na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
“Pagbalik ko from Bangkok, do’n pa lang ako sinabihan. ‘Oh my gosh!’ magge-guest ako sa Hating Kapatid. Sa set mas nakilala ko ‘yung work mode side ni Mavy as an actor,” nakangiting pahayag ni Ashley sa 24 Oras Weekend.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkasamang magbibiyahe patungong Japan sina Ashley at Mavy. Nakatakdang magbakasyon ang magkasintahan sa Osaka pagkatapos ng kabi-kabilang trabaho.
“Sa April sa Sakura, so magja-Japan kami, Osaka kami. So work mode muna, pagdating ng April, vacation mode,” pagbabahagi ng Kapuso actress.
(Reports from JCC)
- Latest






















