InnerVoices, ‘ultimate goal’ si Gary V!

MANILA, Philippines — Collab kay Gary Valenciano ang ‘ultimate goal’ ng well-loved band na InnerVoices.
Ang daming mas bata at sikat kumbaga sa kasalukuyan na singer o banda, pero para sa InnerVoices ay si Mr. Pure Energy ang swak sa vibe nila na regular performer sa mga music bar sa Quezon City.
Ang recent ‘achievement’ ng grupo ay ang pag-number 1 nila sa music countdown brand ng TV5, ang Vibe, na recently ay nag-guest sila.
Ang Vibe ay isang fan-driven music countdown kung saan ang fans ang magde-decide kung aling OPM songs ang pinaka-hit.
Misyon ng bagong palabas na baguhin ang industriya ng OPM sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng magandang local music.
Dahil sa participation ng fans – real-time engagement ang usapan na nagpapalakas sa data-driven entertainment mula sa mga umuusbong na singer/artist hanggang sa mga OG icon.
Tampok sa countdown ang isang multi-platform voting system sa pamamagitan ng SMS, web-based, at Meta Messenger, kasama ang radio request voting na pinapadali sa pamamagitan ng 105.7 TrueFM.
Kaya super legit ang pagiging number 1 and 2 nila ng mga kanta nilang I’ll Wait For You in the Rain and Shadows.
“Grabe tuwang-tuwa kami at thank you especially sa mga kaibigan namin na hindi tumitigil sa pagsuporta sa amin. Talagang andyan sila para sa amin,” sabi ni Atty. Rey Bergado in between their gig last Tuesday night sa Noctos Bar, QC.
“Na-survive namin ‘yun, ‘di namin inaasahan. Kaya we’re very thankful,” susog ni Atty. Bergado na leader ng grupo na binuo nila more than two decades ago at hindi nila in-expect na tatagal sila, at ito nakikipagsabayan pa sa mga batang grupo.
At ang secret ayon sa abogadong musician, maayos na communication sa grupo at lagi silang sumasabay sa trend.
Consistent din ang mixed-up nila sa kanilang repertoire lalo na at may regular followers sila na kung saan sila may gig ay andun din.
Aside from Vibe ‘unlock’, hataw rin sa Spotify ang I’ll Wait For You in the Rain at Shadows.
Pero wala naman daw pressure na madaliin ang susunod nilang original songs.
At ayaw raw nilang ikumpara sila sa iba.Wala raw sa isip nila ang competition, Ayon kay Atty. Bergado, mas gusto nilang friends sa lahat ng taga-industriya.
Plan nila for this year ay bagong kanta at concert abroad.
At ang medyo malinaw na pupuntahan nila ay ang gig sa Singapore kung saan dati nag-perform ang vocalist ng InnerVoices na si Patrick Marcelino.
Anyway, kahit busy sa mga gig, hindi nasa-sacrifice ang pagiging abogado ni Atty. Bergado.
Ganun daw ang epekto kapag mahal mo ang iyong ginagawa, hindi ka makakaramdam ng pagod.
Walong original songs na ang natapos nila at kasama rito ang dalawang Christmas songs.
Kabilang sa mga miyembro ng InnerVoices sina Rene Tecson on guitar, Alvin Herbon on bass, Joseph Cruz on keyboards and Joseph Esparago on percussion.

- Latest