Ara Mina, 55 lbs na ang ipinayat!

May sagot tungkol kay Sarah Discaya
Grabe, 55 lbs. na pala ang ipinayat ni Ara Mina. At ang clothing size niya, extra small na.
Babu na ang dating Ara na chubby.
Pero hindi raw mabilis ang mga pangyayari, matagal ang naging proseso.
“Overall, I started dieting, pero gradual, November 2019,” umpisa ng kwento ni Ara.
“Now 55 pounds na, tapos mini-maintain ko na lang,” kuwento pa ng actress sa aming chance interview sa katatapos na Maddox Jewelry Gala.
Ano ang mas mahirap, ang pagbabawas ng timbang o maintaining your weight?
“Maintaining, hindi na kami hirap. Kasi now I need to tone. Pero ‘pag naggi-gain ako four pounds, ayun talagang kailangan i-lose ko ‘yung four pounds. Kasi ‘pag hindi ko ni-lose ‘yung four pounds na ‘yun in a week or two weeks, nagtutuluy-tuloy ‘yan. So, lagi ako from time to time nagwi-weight scale ako para talagang ma-monitor,“ kuwento niya pa.
Dahil holiday season maraming kainan, ano ‘yung parang disipline niya or hacks? “Okay, ang tip ko kapag buffet, kapag party ang daming food, kuha lang kayo ng konti-konti. As in, konti-konti. Kasi tikman mo kung ano ‘yung pinaka-okay. Kung ano ‘yung pinakamasarap dun, ‘yun ang balikan mo para kumuha ka nang mas okay na portion. Kasi mas okay na hindi ganun karaming ulam ‘yung kainin mo.
“At least worth the calories ‘yung kakainin mo. Kesa ‘yung ang dami mong kukunin nagsayang ka pa ng pagkain, kasi nahiya kang hindi ubusin kasi ang dami mong kinuha. Hindi naman gusto ng tiyan mo o hindi mo gusto ‘yung lasa. So, iyon ‘yung tip, konti-konti lang,” pagbabahagi niya.
Paano ‘yung drinks? Like, nagko-coffee ka? “I’m not into soda. Siguro kung nagso-soft drinks ako kapag sobrang init pasip-sip lang. Mga one to three sips.”
Pero ‘yung rice, paano ‘yung rice?
“Nagra-rice na ako pero naka-cup. Sometimes, alternate ko shirataki rice,” sagot pa ni Ara.
Pero ‘yan na ‘yung perfect weight mo para sa’yo?
“Yes, ito na.”
Ilang pounds na siya ngayon?
“Ngayon sa pounds, 129.”
From large ro extra small? “Yeah, nung nanganak ako large pero medium, medium [to] large.”
Pero anong pinaka-biggest mo sa weight?
“Ahhh 180. Yeah, nung pregnant ako nu’n.”
Paano naman ‘yung exercise routine niya ngayon?
“Pilates.”
So, everyday nagpi-pilates ka?
“As much as I want to, kung kaya ko. Kasi meron naman ako sa bahay na machine. Pero meron din akong mga workout na ginagawa na without machine. Kahit ‘yung ganun lang na arms (dini-demonstrate niya sa amin). Tapos ‘yung ginaganun ko ‘yung tiyan ko every morning. (parang minamasahe ang tiyan).”
Ilang minutes ‘yun?
“Iniisip ko nga i-follow na lang nila ‘yung Ara Mina Channel. Next year gagawa ako ng mga routine ko or panoorin nila ‘yung Magandang ARAw kasi babalik na ‘yung magandang ARAw next year. So, I’ll do slimming tips there.”
Kasama si Ara sa mga celebrity na natalo sa nakalipas na midterm elections – kumandidato siyang konsehal sa Pasig.
Ang controversial at iniimbestigahang contractor na Sarah Discaya noon ang kanyang kapartido.
May plano ba ulit siya sa susunod na election?
“For now, parang kinokondisyon ko ‘yung sarili ko huwag na. Siguro i-concentrate ko ‘yung, napapabayaan ko kasi ‘yung business ko. And maraming nagsasabi sa akin, ibalik ko ‘yung business ko. And meron akong mga product na ilu-launch next year.”
Pero nag-regret ba siya na sumabak siya sa pulitika? “Hindi naman. E ganun talaga ang politics eh. You win, you lose. Kaya lang syempre ‘yung time na na-miss ko sa ibang bagay. I still help people pa rin naman nasa politics man ako o wala, I still continue helping people,” katwiran niya.
“I’m praying for the best na lang for everyone and wala akong masamang sasabihin. Kasi, ang gusto ko lang maging okey ang bansa natin,” sagot naman niya nang tanungin kung anong masasabi niya sa mga Discaya.
Anyway, may gagawin siyang teleserye pero ayaw pa niyang magbigay ng detalye. “Secret. Tapos nag-cameo role ako sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins episode 1.”
Anong sikreto sa likod ng short hair mo? May nagtanong kasi na baka may ibang meaning ngayon ang kanyang short hair. Pero wala aniya.
Na-miss lang daw niya. “Remember 20 years ago sa Bubble Gang, nag-short hair ako. I think kasi nung pumayat ako sabi ko parang bagay na akong mag-short hair. So, parang sabi ko na-miss kong mag-pixie cut.”
- Latest


























