Emman bill, tinutulak ni Sen. JV

Ahh naghain na ng panukalang batas Senator JV Ejercito na naglalayong parusahan at tugunan na ang malalang cyberbullying, fake news and online defamation sa bansa.
Ito ang Anti-Online Hate and Harassment Bill, na kikilalanin din bilang Emman Atienza Bill.
Aniya, ang Senate Bill (SB) 1474 ay “nagpapalawak ng proteksyon ng mga mamamayan” sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act at ng Anti-Bullying Act, na aniya ay limitado ang saklaw.
“While social media serves as a platform to advocate for truth, it has also given room for ruining reputations, spreading fake news, rumors, false accusations, and violence.
“In reality, there are no delete or edit buttons for the ones we have hurt,” sabi niya sa kanyang statement.
Binanggit niya na maraming kabataan ang naging biktima ng online bullying, kabilang na si Emman, anak ng kaibigan niyang si Kim at misis nitong si Atienza, kung saan nga ipinangalan ang panukalang batas.
Hindi naman talaga si Emman ang unang kilala sa showbiz na ganun ang ginawa.
Pero iniwasan na lang pag-usapan.
“We must prevent another tragedy where our fellowmen, especially the youth, are pushed to the breaking point by the vitriol of online hate,” dagdag niya sa statement.
- Latest




















