^

PSN Showbiz

Knowledge Channel, wagi sa AACA 2025

Pilipino Star Ngayon
Knowledge Channel, wagi sa AACA 2025
Knowledge Channel
STAR/ File

Wagi ang educational TV series ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na Ready, Set, Read! sa kategoryang Best Children’s Program ng Asian Academy Creative Awards (AACA) 2025.

Ibabandera ng Ready, Set, Read! ang husay ng mga Pilipino sa paggawa ng educational shows sa Grand Awards sa Singapore sa darating na Dec. 4, tampok ang layunin nitong turuan ang mga bata na makapagbasa at mas maunawaan ang wikang Ingles.

Bida sa serye ang kwento ng batang karakter na si Joji, at ang kanyang mga kaibigang hayop na sina Cathy, Ogot, Marj, at Nene, sa kanilang masayang paglalakbay para makapagbasa sa pamamagitan ng nakaaaliw na mga kanta, sayaw, at tula.

Nakamit na rin ng programa sa mga nakaraang taon ang iba’t ibang parangal tulad ng Anak TV Seal (2023), Special Citation for Best Children and Youth Program sa 44th Catholic Mass Media Awards, KBP Golden Dove finalist citation, at Outstanding CSR Project award mula sa League of Corporate Foundations (2022).

KNOWLEDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with