^

PSN Showbiz

Gretchen, nakalipad na raw sa Amerika?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen, nakalipad na raw sa Amerika?!
Gretchen Barretto
STAR/ File

Totoo kayang nasa abroad na si Gretchen Barretto?

Diumano’y nasa Amerika na ito sa kasalukuyan.

Nauna nang itinanggi ng aktres na may kinalaman siya sa kaso ng mga nawawalang sabungero matapos siyang i-tag ng isang testigo, kasama ang negosyanteng si Atong Ang, sa mga diumano’y pagkawala ng mga ito.

Kabilang nga ang pangalan ni Greta sa mga binanggit ng suspect-turned-witness na si Julie Patidongan, na nag-claim na diumano’y humigit-kumulang 100 sabungero ang kinidnap at pinatay, at ang kanilang mga labi ay itinapon daw sa Taal Lake.

Sa pahayag ng abogado ni Barretto, ikinalungkot ng kanyang kampo ang pagkaladkad sa mga inilarawan nilang unsubstantiated allegations. “Nagsisisi si Ms. Barretto na siya ay ipinako sa krus nang walang batayan, at naging paksa ng hindi magandang ispekulasyon batay sa tsismis. Naiintindihan ni Ms. Barretto ang kahalagahan ng pagresolba sa kaso,” sabi ng kanyang abogado na si Alma Mallonga sa isang statement noong July.

Hindi rin diumano kailanman nag-operate ng sabungan o cockfighting arena at hindi rin siya lumahok sa mga operasyon ng e-sabong ang kanyang kliyente, sabi pa ni Mallonga.

Kahapon ay inilabas naman ng Department of Justice ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa negosyanteng si Charlie Atong Ang, kay Gretchen Barretto, Retired Lt. Gen. Jonnel Estomo, at mahigit 50 ang rumesponde na sangkot diumanpo sa kaso ng nawawalang mga mahilig sa sabong.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na lahat ng personalidad na na-tag sa kontrobersya ni Julie “Dondon” Patidongan o alyas “Totoy” ay na-issue ng ILBOs.

Pawang itinanggi nina Ang, Barretto, at Estomo na sangkot sila sa umano’y pag-kidnap at pagkawala ng ilang mahilig sa sabong na itinapon umano sa Taal Lake.

GRETCHEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with