Mutya Orquia, may tipid tips sa kabataan

Maghahatid ng tipid tips sa kabataan si Kapamilya star Mutya Orquia na bida sa bagong episodes ng Estudyantipid, isang series na tumatalakay sa usaping pera handog ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa pakikipagtulungan ng BPI Foundation.
Gagampanan ni Mutya ang papel ng isang estudyanteng nais matutong humawak ng pera sa seryeng layuning turuan ang mga kabataang Pinoy ng tama at praktikal na paghawak ng pera.
Tampok sa bagong episodes ng Estudyantipid ang mga napapanahong isyu tungkol sa pera na madalas na pinoproblema ng kabataang Pinoy matapos ang matagumpay na unang bahagi nito noong 2024.
Tatalakayin sa serye kung paano makaiwas sa mga panloloko o scam, mga pangunahing konsepto sa pagnenegosyo, mga praktikal na kaalaman sa paghawak ng pera, at iba pa.
Mapapanood ang bagong episodes ng Estudyantipid tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo sa ganap na 1:40 p.m. sa BEAM Channel 31, cable, direct-to-home satellite, direct-to-home satellite, at digital black boxes.
Pwede ring abangan ang Estudyantipid sa Kapamilya Online Live tuwing Sabado, 7:40 a.m. to 8:20 a.m., at sa Kapamilya Channel tuwing Linggo simula Agosto 10, mula 8:15 a.m. hanggang 8:40 a.m. Available rin ito sa iWant.
- Latest





















