^

PSN Showbiz

Vice, bumuwelta sa ‘misgendering’ kay Awra

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice, bumuwelta sa ‘misgendering’ kay Awra
Awra Briguela at Vice Ganda.
STAR/ File

Naging isyu na talaga ngayon ang sinasabi nilang ‘misgendering’ na pinag-uusapan na naman ngayon dahil kay Awra Briguela.

Ang dating sa karamihan ay walang respeto kay Awra na tinawag siyang ‘bro’ ng isang content creator.

Si direk Darryl Yap nga ay nag-post din sa kanyang Facebook account kaugnay sa isyu ng misgendering.

Aniya, “Kung ayaw ni John Florence Argota na respetuhin si Awra, desisyon niya yun. Hindi pinipilit ang respeto. Marami kaming bakla na kaibigan ni John; hindi siya homophobic, kung ayaw nya sa tao, anong gagawin nyo? Ipilit?”

May mga nag-react at nagbigay ng kanilang opinyon sa isyu ni Awra na ipinagmamalaki pa naman ang pag-graduate niya sa senior high.

Nagbigay rin ng mensahe si Vice Ganda kay Awra, at maganda ang buwelta niya pagkatapos niyang masangkot sa gulong nangyari sa Poblacion, Makati.

Pero nung kamakalawa lang ay nagbigay ng opinyon si Janus del Prado sa kanyang Facebook account tungkol dito sa isyu ni Awra at marami ang pumik-ap nito at umayon sa kanyang pananaw.

Para kay Awra ang ipinost niya sa kanyang FB account na ang sabi nito, “Awra. You are doing too much to the point that you are hurting the gay community. People are starting to turn against the entire gay community because of this kind of entitlement. Nada­damay sila sa bashing. Not to mention overshadowing the identity and attention from biological women, their struggles and their place in society. Stop acting like you are being oppressed because you are not.”

Marami pa ang nag-react at nagbigay ng kanilang alam sa susunod na sinabi ni Janus. Mas naniwala siya sa mga sinasabi ng mga beteranong bading kagaya ni Ricky Reyes.

“Nakigaya lang naman tayo sa pauso ng US and other western countries about the gender alphabet and neo pronouns. And now, ano nangyayari sa kanila? They are suffering the consequences and starting to reject the whole ideology. It even destroyed Hollywood, Sports and their Education System. Balik na sila sa two gender policy.

“Makinig kayo sa mga nauna sa inyong Gays like Ricky Reyes. They know better. And quite frankly, the LGBT community hasn’t been about the Lesbians and the Gays in a very long time. You made it all about these neo genders and pronouns that lack common sense. If you want to call yourself a “She” or a “Her” then go, live and enjoy your life the way you want to. No one’s stopping you. Just don’t expect and force everyone else to play along. Because just like you, we all have our own beliefs, values, principles and free will. There is nothing wrong with using proper grammar to address other people. Stop the gaslighting. Nakakapagod na makitungo at makisama sa inyo. Nagkakaroon na ng Trans fatigue ang mga Pilipino.”

Maganda ang saloobin ni Janus na kahit hindi naman siya bading, marami siyang kaibigan at naiintindihan niya ang kalagayan ng miyembro ng LGBTQIA.

Mensahe niya sa gay community, “And to the gay community. Please speak up pag wala na sa hulog yung ginagawa ng miyembro ng kumunidad niyo. Don’t be an enabler just because they are a part of your group. It will only hurt the gay community and what you stand for. Thank you.”

Marami ang nagbigay ng opinyon sa FB post na ‘yun ni Janus del Prado, at naging balita na tuloy.

Gladys, ‘di naka-relate sa ‘babae’ ni Christopher!

Ngayong hapon na pagkatapos ng My Father’s Wife magsisimula ang Cruz Vs. Cruz na tinatampukan nina Vina Morales, Gladys Reyes at Neil Ryan Sese.

Ang lakas ng dating na unang publicity nila na nag-trending pa.

Pero sabi nga ni Gladys, marami ang makaka-relate sa kuwento ng Cruz vs. Cruz, pero siya, na iba rin ang pagkakontrabida niya sa seryeng ito, hindi raw makaka-relate dahil sobrang happy siya sa kanyang married life.

Talagang pinanghahawakan daw nila ni Christopher Roxas ang sinumpaan nilang walang bibitaw at sila pa rin talaga.

“Naninindigan kami pareho sa bond ng marriage na ang pinapagsama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao,” pakli ni Gladys.

Kaya awa ng Diyos, hindi naman daw niya na-experience na meron siyang kinomprontang babaeng naglandi sa kanyang asawa. “Wala naman po ako nahuli, at salamat sa Diyos na binigyan niya ako ng faithful na asawa na may respeto sa akin bilang babae at pagpapahalaga sa pamilya namin,” sabi pa ni Gladys Reyes.

Masaya si Gladys sa magandang samahan nila sa set nina Vina, Neil Ryan at marami pa.

Makikita naman daw sa seryeng ito, dahil kampante silang lahat.

Samantala, medyo bumaba ngayon ang viewership ng panghapon ng GMA 7. Pero kapag maganda talaga ang kuwento, tumataas ito.

Kagaya ng My Father’s Wife na gumaganda na ang takbo ng kuwento, okay na ang ratings nito sa mga huling episode.

Inaasahang mainit din ang pagtanggap sa Cruz Vs. Cruz.

Dingdong, bigatin ang mga makakasama sa serye!

Handa na si Dingdong Dantes na bumalik sa pag-arte sa teleserye.

In-announce na ng Kapuso followers na tuloy ang drama series niyang Master Cutter.

Sandali nga namin itong napag-usapan ni Dingdong nang pumunta siya sa wake ni Manay Lolit Solis.

Excited siya dahil gaganap siya ngayon bilang iwang sastre. Pero kakaiba ang kuwento at bago ito sa kanya.

In-announce na ring makakasama niya rito ang mga sumisikat na stars ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab na sina Shuvee Etrata at Charlie Fleming.

Pero bukod dito sa Master Cutter, may narinig din kaming meron pang isang series na kinakasa na pagbibidahan uli ni Dingdong.

Kaagad na isusunod daw nila ito na ipo-produce naman ng GMA News and Public Affairs.

Mga bigating artista naman ang makakasama niya rito.

Ang bongga!

AWRA

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with