^

PSN Showbiz

Jennylyn, sumabak sa maraming takbuhan

Pilipino Star Ngayon
Jennylyn, sumabak sa maraming takbuhan
Jennylyn Mercado.
STAR/ File

Mapapanood na simula June 23 ang Sanggang Dikit FR na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Para sa aktres ay ibang-iba ang turingan nilang mag-asawa pagdating sa ta­ping kumpara kapag sila ay nasa kanilang bahay lamang. “Kasi ‘pag sa bahay, iba ‘yon. Nasa bahay kami bilang mga magulang, mag-asawa. Pagdating sa set mga artista kami. Kahit na nag-aaway kami or may problema kami na dala-dala, pagdating sa bahay, saka n’yo pag-usapan,” makahulugang pahayag ni Jennylyn sa GMA News.

Kabilang din sa naturang proyekto sina Juancho Triviño, Joross Gamboa, Chanty Videla, Sam Pinto at marami pang iba. Talagang nagtutulungan umano sina Jennylyn at Dennis sa trabaho upang mas mapaganda pa ang kanilang mga eksena sa bagong serye ng GMA Network.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang mag-asawa ng proyektong aksyon ang tema. Matatandaang nagsanay pa sa pagbaril si Jennylyn kamakailan. Nakatakda rin kunan sa Europe at United Arab Emirates ang maraming eksena para sa serye. “Medyo challenging siya talaga dahil hindi na rin ako masyadong bata. So iba na rin ‘yung kinakailangan na energy para dito. Talagang medyo matindi ‘yung physical scenes namin. Maraming takbuhan, ang daming fight scenes, so medyo kinakailangan fit ka eh, malakas ka,” pagbabahagi ng misis ni Dennis.

May mga oras na mayroong tampuhan ang mag-asawa habang nasa trabaho. Ayon kay Dennis ay kinakailangang maging propesyunal upang magawa nang maayos ang mga eksena kahit na mayroon silang suliranin ni Jennylyn. “Challenge kapag nag-aaway kayo. Nag-aaway in real life tapos kailangang maging maayos. Doon mo susubukan ‘yung pagka-professional. So dapat talagang iwan n’yo ‘yung problema at kapag nagtratrabaho, trabaho talaga,” giit ng aktor.

“Okay lang kung mga three days lang, two days. Pero ‘pag two weeks, naku po! Ang hirap,” nakangiting dagdag naman ni Jennylyn.

Taong 2021 nang magpakasal sina Jennylyn at Dennis. Mahigit tatlong taong gulang na ngayon ang anak nilang si Dylan Jayde.

(Reports from JCC)

JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with