^

PSN Showbiz

Jericho nag-aaral, aktibo sa pagiging producer

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jericho nag-aaral, aktibo sa pagiging producer
Jericho Rosales

Isang bagong serye ang pinaghahandaang gawin ni Jericho Rosales. Kamakailan ay isang larawan ang lumabas na kasama ng aktor ang ilang executives ng Dreamscape Entertainment. “I’m excited. I think I have good energy. I’ve been working but I am not telling people what I’ve been doing. I’m really happy with this energy now that I am back in front of the camera. Announcing stuff that I’ve been working on,” naka­ngiting bungad ni Jericho sa ABS-CBN News.

Huling nakapagbida ang aktor sa teleseryeng Halik na nagtapos noong 2019.

Masayang-masaya si Jericho dahil muling makakapagtrabaho sa bakuran ng ABS-CBN. “I’m very excited. Sobrang tagal ko nang ‘di nakabalik dito, seems like my energy is still there. It’s nice to be back here sa ABS. But this one yes, I accepted a pro­ject under Dreamscape. It is really a good project. For me timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV and streaming,” paglalahad niya.

Bukod sa pag-arte sa harap ng kamera ay aktibo na rin si Jericho bilang isang producer. Kabi-kabilang proyekto umano ang ginagawa ngayon ng aktor. “I finished Sellblock (movie). I produce films now. I’ve been studying. I am still networking,” pagtatapos ng aktor.

Spencer, kinilabutan sa pag-apak ulit sa stage

Ngayong Biyernes na gaganapin ang The Sign ‘90s Supershow sa Aliw Theater. Kabilang si Spencer Reyes sa mga magsasasayaw sa naturang dance concert. Magkahalong emosyon daw ang naramdaman ni Spencer nang mabalitaan ang tungkol sa proyekto. Isang malaking karangalan para sa da­ting aktor na muling makakasayaw sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Danilo Barrios at iba pang kasamahan nila sa dance group. Bukod sa Streetboys ay makikipaghatawan din sa entablado ang mga kasabayan noon katulad ng Manoeuvres, Universal Motion Dancers, at marami pang iba. “Nagulat ako, sabi ko, ‘Saan ‘yung location?’ Sabi nila sa Pinas. Kinilabutan na ako, sabi ko, ‘Sinong kasama?’ ‘Mga kagrupo mo at ‘yung mga galing ‘90s.’ Hindi na ako nagdalawang-isip. Sabi ko, ‘Yes!’ It’s really an honor and the feeling is priceless. Kasi this is the first time again that I will step on stage na kasama ‘yung kagrupo ko. Talagang masarap sa feeling, kaya napapayag nila ako,” kwento ni Spencer.

Mahigit isang dekada nang nakabase sa United Kingdom ang dating miyembro ng Sreetboys. Mayroon na ring sariling pamilya ngayon si Spencer. “I have two girls and one boy. ‘Yung lalaki ko dito na pinanganak (sa UK). ‘Yung panganay ko she’s 24. The other one na babae is 20. Then si Sean is turning 13 years old,” pagbabahagi niya.

Mula sa pagiging nurse ay naging bus driver si Spencer sa U.K. Mahigit anim na taon nang nagmamaneho ang dancer-actor sa United Kingdom. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with