^

PSN Showbiz

Mariel, dumanas ng matinding pagsubok nang mag-Singapore

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mariel, dumanas ng matinding pagsubok nang mag-Singapore
Mariel Rivera at Anak

Naging extra challenge pala kay Mariel Rivera ang kanilang Singapore trip ng mister na si Sen. Robin Padilla nung magpa-medical check up sila kasabay ng panonood ng concert ni Taylor Swift na ngayon lang niya ipinapanood sa vlog.

Ang rason ay hindi siya naka-shopping dahil pini­gilan daw siya ng asawang senador.

“Ito ‘yung trip na bawal daw akong mag-shopping. Talagang bawal na bawal. Pinagbawalan niya ako nang matindi kasi mahal na raw ‘yung medical check-up, hindi na raw pwede. Wala nang lusutan talaga,” sabi nito nung nasa loob na siya ng mall.

“All of our favorite shops are right here, tapos, pinagbawalan niya tayo kahit na pera naman natin,” sabi pa niya na tawang-tawa.

 “’Eto na ‘yung totoong pagsubok,” dagdag niya.

 “Hayy, ang pinakamalaking pagsubok sa lahat,” aniya nang makita niya ang Chanel store.

“Grabe ‘yung self-control and submissiveness na ginawa ko ngayon para… anyway, sasamahan naman ako sa Taylor Swift kaya susunod na lang ako,” sabi pa ng dating TV host na hindi ganito ang naging reaction nang i-bashed dahil sa pagpapa-drip sa office ng mister na senador.

Umabot hanggang ibang bansa ang kontrobersya nito sa gluta drip na  inabi ni Mariel na vitamin C naman daw at hindi gluta.

Hindi ‘yun itinuring na pagsubok ni Mariel dahil mas matindi pala ang epekto sa kanya nung hindi siya naka-shopping.

vuukle comment

ACTRESS

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with