^

PSN Showbiz

Anji, walang planong pakabog sa bashers!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anji, walang planong pakabog sa bashers!
Anji Salvacion.
STAR/ File

Nakaranas ng matinding online bashing si Anji Salvacion noong isang taon dahil sa istilo ng pag-arte ng dalaga sa seryeng Linlang. Unang napanood sa Prime Video ang naturang seryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM de Guzman at Paulo Avelino. Kahit maraming negatibong komento ang natanggap mula sa netizens ay hindi naman daw tatalikuran ni Anji ang pagiging isang aktres. “I’m not closing my doors. If there’s audition, I will audition. If they will get me, thank God. If not, thank God because it’s an experience and it’s an opportunity for me to learn that, ‘Ah, these are the things I should do,’” nakangiting pahayag ni Anji.

Ngayong taon ay ang pagkanta raw ang gustong bigyan ng panahon ng dalaga. Matatandaang nakabilang si Anji sa cast members ng stage musical na Tabing Ilog noong isang taon. Mamayang gabi ay nakatakda namang ganapin sa Gateway Cineplex ang album launch ng actress-singer na may titulong GRIT. “As of now I am focusing on my music because it’s the very first dream that I really had since 2019 when I joined Idol Philippines, and this is it. I am already starting with GRIT and I want to continue doing it because it’s really my passion and I am so excited to release more songs,” paglalahad ng dalaga.

Miggy, nag-panic nang mapansin ang acting

Masayang-masaya si Miggy Jimenez dahil nasa pangangalaga na ngayon ng Star Magic. Matatandaang sumikat nang husto ang aktor dahil sa mga eksena nilang dalawa ni Zaijian Jaranilla sa Senior High. “I am super grateful and super happy. It’s a big thing for me. Being a fan of ABS-CBN, now I am officially part of it.” bungad ni Miggy sa ABS-CBN News.

Ayon sa aktor ay noon pa niya pinapangarap na maging isang ganap na Kapamilya star. Umaasa si Miggy na marami pang magagawang proyekto sa bakuran ng ABS-CBN. “It is a dream come true. So, with the passion inside me, I really hope that it will align and I will be given more projects with genres that I hope, I could tell stories of people who are still not being heard. I am so looking forward and I can’t wait for more projects,” makahulugang giit ng binata.

Hinangaan ng mga manonood ang galing ni Miggy sa pagganap bilang si Poch sa nagtapos na iWantTFC series. Hindi raw inakala ni Miggy na maraming makapapansin sa kanyang husay sa pag-arte. “Super overwhelming. I also panic inside but at the same time I try to manage it smoothly. And I think in time I will also learn to handle it well,” pagtatapat ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ANJI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with