^

PSN Showbiz

‘Pahinga ka na’ - Andi

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
�Pahinga ka na� - Andi
Jaclyn Jose

Naihatid na sa huling hantungan si Jaclyn Jose.

Pero hindi pa tapos ang mga usap-usapan sa kanilang pamilya.

Ang daming kuwento lalo na sa mga anak niya na sina Andi Eigenmann and Gwen Garimond Ilagan Guck

Pero si Andi ay idinaan sa isang post ang pasasalamat sa namayapang ina. “Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila. Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga ala-ala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay. Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita.
“Ika’y nasa araw, sa ulan, at sa hanging aking nilalasap. Umaawit ng kantang puno ng pag-asa at ligaya. 
“Wala na ang sakit. 
“Wala na ang takot. 
“Matatanaw pa rin kita sa mga ulap, at maririnig ang mga bulong ng iyong pagmamahal. 
“Magkikita din tayong muli. 
Sa ngayon diringgin ko muna ang iyong mga awit.
Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na,” buong post ni Andi na pinanghihinayangan na ngayon lang naging open sa pagmamahal sa namayapang ina.

vuukle comment

ACTRESS

JACLYN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with