^

PSN Showbiz

Kyle, mahal na si Shaina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyle, mahal na si Shaina
Kyle at Shaina
STAR/File

Nagte-taping na ngayon si Kyle Echarri para sa seryeng Pamilya Sagrado na pagbibidahan ni Piolo Pascual. Kabilang din sa bagong proyekto ng ABS-CBN sina Aiko Melendez, Tirso Cruz III, John Arcilla, Rosanna Roces, Mylene Dizon, Joel Torre, Grae Fernandez at Shaina Magdayao.

Isang malaking karangalan para kay Kyle na makatrabaho ang ilan sa mga pinakamagagaling na artista sa bansa.

Ayon sa aktor ay masaya lamang sa kanilang set habang nagtatrabaho. “First three taping days na kami lang ni Ms. Shaina and Tito Joel Torre, so far so good. Sobrang masaya hindi lang sa mga cast mates ko kung hindi sa buong prod. Nagpunta kami ng LU, La Union para mag-shoot. So far so good,” bungad ni Kyle.

Para sa aktor ay isa si Shaina sa mga tumutulong sa kanya pagdating sa trabaho. Ramdam umano ni Kyle ang ginagawang pag-alalay sa kanya ng aktres sa mga eksenang ginagawa nila. “I love her already. Masasabi ko mahal na mahal ko ‘yung taong ‘yon. Napaka-sweet niya, matulungin. She helps me so much. Agad-agad nagkaroon na kami ng chemistry with our characters,” paglalahad ng binata.

Mula sa La Union ay nakatakda namang kunan sa Baguio ang karamihan sa mga eksena para sa bagong serye. “Malapit na kami pumunta ng Baguio. Do’n po gaganapin ‘yung istorya talaga. May shoot kami sa La Union, malalaman n’yo din bakit, abangan n’yo na lang,” pagtatapos ng aktor.

Gary, iba naman ang gustong gawin

Sa April 26 at 27 ay gaganapin sa Mall of Asia Arena ang Pure Energy One Last Time concert ni Gary Valenciano.

Maraming mga tagahanga ang napapaisip ngayon kung huling concert na ito ng singer dahil sa titulo. Ito na raw marahil ang huling solo major concert ng singer. “I’m also human and I’m 59. It has nothing to do with my health. My health is very good. I called it One Last Time because I really want it to be the last. Big, solo, hataw na, all out. It has to end here. There are still many things I want to do. Remember, it’s not closing of a career. It’s closing of a chapter,” makahulugang pahayag ni Gary.

Sa mahigit apat na dekadang pananatili sa industriya ay halos hindi na mabilang ang mga kantang pinasikat ng singer.

Naiisipan na rin daw ni Gary na magkaroon ng isang musical katulad ng ilang pinakasikat na music icon sa bansa.

Mayroon na umanong nag-alok kay Mr. Pure Energy na ipamalas sa teatro ang kanyang musika. “Mayroon nag-propose sa akin to come up with a Gary V musical. Eh ‘yung Parokya ni Edgar mayroon na. ‘Yung Aegis, tapos na, Ben & Ben. I’m really curious. Actually, noong lumabas pa ‘yung Rak of Aegis at the same time. Then when the Huling El Bimbo came out, mayroon na namang nag-offer. I’m really considering that,” pagbabahagi ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with