^

PSN Showbiz

Gillian, ‘di naapektuhan sa intriga kay Daniel

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gillian, �di naapektuhan sa intriga kay Daniel
Gillian Vicencio.
STAR/ File

Mula sa commercials, VTRs and auditions nagbunga ang pangarap ni Gillian Vicencio nang siya ay mapasali sa pelikulang Eerie starring Bea Alonzo and Charo Santos-Concio.

Hanggang nasundan ito ng isa pang horror film na Hellcome Home kasama sina Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing at Beauty Gonzalez.

Pero biggest break ni Gillian ang Four Sisters Before the Wedding with Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Belle Mariano. Siya ay gumanap bilang si Alex na naunang ginampanan ni Angel Locsin.

At doon mas maraming nakapansin kay Gillian at kinumpara na siya kay Angel sa pagiging versatile.

Napabilang din siya sa Kargo sa Netflix na isang thriller/drama ang tema.

‘Di nagtagal pinalabas ang Hello Strangers, noong kainitan ng boy’s love theme kung saan gumanap siya bilang girlfriend ng character ni Tony Labrusca.

Pero minahal nang todo at mas nakilala si Gillian sa series na 2 Good 2 Be True, ang huling tambalan nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Gumanap siyang boyish friend as Tox with Matt Evans, and Yves Flores na mga malalapit na kaibigan ng character ni Daniel Padilla bilang si Eloy.

At doon nabuo ang kilig sa tambalan nila ni Yves, kaya nagkaroon sila ng sariling digital series na Retox.

Pero nahaluan ng mga intriga ang career niyang nung idawit ang pangalan niya sa breakup ng KathNiel after 11 years.

Mabilis niyang nilinis ang kanyang pangalan that time “Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo. Bigyan naman po natin sila ng respeto,” aniya sa kanyang statement sa X (previously Twitter).

Nagulat daw siya sa mga nangyari pero mas pinili niyang ipagpatuloy ang mga trabaho at ituon ang atensyon sa mga bagay na mas makakapanatili ng kanyang peace of mind.

Thankful si Gillian dahil sa kabila ng mga pang-iintriga ng iba ay maganda ang takbo ng kanyang career.

Ang latest accomplishment niya, kasama na siya bilang isa sa mga Beautederm babies ng CEO and founder ng isa sa pinakasikat na brand pagdating sa pagpapaganda, ang Beautederm. “Sobrang masaya kasi first endorsement ko ito, nakakatuwa na kahit baguhan at hindi pa ako ganoong kakilala ay nasama at pinagkatiwalaan ako ni Mommy Rhei kasi nga mga A-lister ang mga ambassador sa Beautederm,” sabi niya.

At kabilang din siya sa mga ipinakilala sa Filipino adaptation na What’s Wrong with Secretary Kim na pagbibidahan ni Kim Chiu at Paulo Avelino.

Muli rin silang magsasama sa nasabing series ni Yves Flores at nagsimula na rin silang mag-taping at mag-pictorial para sa series na ito.

Good things come to those who wait sabi nga at mukhang ganun ang pattern ni Gillian.

vuukle comment

VICENCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with