^

PSN Showbiz

Coco, nakisanib sa mga senador!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Coco, nakisanib sa mga senador!
Coco at mga senador

MANILA, Philippines — Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng producers at malalaking artista ang Metro Manila Film Festival 2024 na nasa 50th year na.

Mukhang pang-MMFF film project na pagsasamahan nina Sens. Bong Revilla Jr., Robin Padilla at Lito Lapid. Kasama pa nila si Coco Martin.

Marami kasi ang naintriga sa IG post ni Sen. Bong na magkasama silang apat sa isang table, at nandun din sina Mark Lapid, Val Iglesia, Rez Cortez at direk Brillante Mendoza.

Ang caption sa natu­rang IG post ay “Ayos na (thumbs up sign).”

Kaya tinanong ko na si Sen. Bong kung meron na ba silang binubuong film project. Tuloy na nga raw ang pagsasama nila, at si direk Brillante raw ang direktor.

Kaya excited silang lahat. Hindi lang muna nila mai-share kung ano ang kuwento, dahil binubuo pa lang nila.

Pero medyo maselan daw ang kuwento na tumatalakay sa mainit na isyu ng bansa.

Bukod sa pagsasama ng mga bigating action superstars, may binubuo rin daw na project na posibleng pagsasamahan nina Piolo Pascual at Bea Alonzo, meron din daw na John Lloyd Cruz at Alden Richards, at baka Vice Ganda at Michael V.

Sana may matuloy diyan, dahil talagang inaasahang malalaking pelikula ang kalahok sa 50th year ng MMFF.

Rewind, humamig na ng P902M!

Successful ang pagsisimula ng Manila International Film Festival nung Lunes, Jan. 29, sa Hollywood.

Dinagsa ng maraming kababayan natin ang screening ng Mallari at Rewind.

Kuwento sa amin ng spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer, dinaluhan ng mga foreign press ang kanilang press conference.

Bumangka raw sa presscon na ‘yun sina Eugene Domingo, John Arcilla, Enchong Dee, Christian Bables, Beauty Gonzalez, Janella Salvador, Ron Angeles at Piolo Pascual.

Kahapon naman dumating doon sina Atty. Annette Gozon-Valdes para makasali siya sa Talk Back ng Firefly.

Naayos naman daw ang US visa ni Cedrick Juan, kaya makakasali siya para sa GomBurZa.

Hahabol naman doon si Alden Richards para sa Family of Two nila ni Sharon Cuneta.

Nakaharap naman si Dingdong Dantes sa Talk Back ng Rewind at talagang na-enjoy niya. Lalo na’t umabot na ng P902M ang kinita ng pelikula nila ni Marian Rivera.

Ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot ng P900M ang gross receipts.

Pagkatapos ng Talk Back doon sa Hollywood, nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account.

Aniya, “Honored to have opened out film, ‘Rewind,’ at the first-ever Manila International Film Festival in Hollywood. I commend the efforts of the MMFF. MMDA, and the entire industry for showcasing 10 beautiful films on the international stage. Another proud Pinoy moment, and another proud moment as a filmmaker and artist. Even prouder as the co-actor of my wife, whose heartwarming performance was witnessed by out audience lastnight. Excited to see the other entries here, which I missed seeing in Manila.”

Kagabi naman ang screening ng Kampon na dinaluhan naman ni Beauty Gonzalez. Haharap siya sa Talk Back nito kasama ang producer ng pelikula na si Atty. Joji Alonso.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with