^

PSN Showbiz

Malaki na ang lugi… CNN Philippines, isasara na!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Malaki na ang lugi� CNN Philippines, isasara na!
CNN Philippines
STAR / File

MANILA, Philippines — Heto ang malaking pasabog na tanong - Totoo bang magsasara na ang CNN Philippines?

May bulung-bulungan na kinakausap na raw ang mga tao sa network na baka hindi na sila aabot sa katapusan ng buwan.

Sigurado na kaya sila rito?

Totoo bang sobra na raw ang lugi nito at kailangang isara at tapusin na?

Paano na ang mga award-winning programs nila, ang The Final Word ni Rico Hizon at ang The Source ni Pinky Webb?

Paano na ang mga ordinaryong mga tao na mawawalan ng trabaho? Paano na ang pag-ere ng CNN Philippines sa Eat Bulaga kapag weekend?

Hindi kaya pwedeng kahit online na lang muna sila hanggang makabawi?

Aljur, iniisnab si Boy Abunda!

Nasaan na ba si Aljur Abrenica? Parang hinahanap siya nila Kris Bernal para kuning ninong sa anak niya at sa baby shower pa noon, waley daw sa pagsagot?

Bakit kay Boy Abunda, hindi rin daw ito sumasagot sa mga tawag para imbitahin sa show nitong Fast Talk?

Nasaan na kaya si Aljur?

Janno at Donny, nganga sa takilya

Nakakalungkot nang tanungin ang mga takilyera kung kumusta ang palabas nina Janno Gibbs na Itutumba Ka Ng Tatay Ko at GG The Movie ni Donny Pangilinan, ang sagot lang nila ay, “hindi po gaanong kalakasan.”

Ang tanong, mag-pick up pa kaya ito? Sana!

Past lives actress, inisnab sa Oscar

Bakit wala ang Past Lives lead star na si Greta Lee sa Oscar Nominations for Best Actress?

Ang sabi ng premyadong direktor at manunulat na si Direk Joey Reyes, “I agree as most people online are commenting. It should have been Greta Lee and not Bening... and definitely not Margot (Robbie).”

Kayo, sino ang bet niyo?

Nakakata-quote:

“This is about a restaurant I ate at a few days ago. I don’t review restaurants I don’t like. I only post about the ones I love. But this one is an exception. Only because this has been around for quite some time. It’s also quite expensive. And because it’s listed as one of the best in the country, certainly I expected more!” - Direk Erik Matti on Toyo Eatery

vuukle comment

CNN PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with