^

PSN Showbiz

Eric Quizon aminado sa naunsyaming 'feelings' kay Aiko Melendez

James Relativo - Philstar.com
Eric Quizon aminado sa naunsyaming 'feelings' kay Aiko Melendez
Kuha sa aktor na si Eric Quizon
Video grab mula sa Youtube channel ni Ogie Diaz

MANILA, Philippines — Naging bukas ang aktor na si Eric Quizon sa matapos maungkat kung bakit hindi pa rin siya nag-aasawa sa ngayon — pati na rin ang isang babaeng napalapit sa kanya nang husto't naging ka-"love team."

Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel noong nakaraang linggo, sinabi ng aktor na muntikan na silang magkaligawan ng nakatambalang si Aiko Melendez.

"Ang agwat kasi namin, nine years. Kaya lang naging close kami kasi naging magka-love team kami. Yes, there was a time na parang meron [nang pagtingin]. Nagkita pa kami sa Hong Kong, mga ganyan," sabi niya.

"Noon pa 'yon. Tsaka nakita ko lang 'yung age difference namin. Kasi sabi ko, 'Parang pedophile naman ang dating ko.'"

"Kung nine years [ang agwat namin], nag-umpisa akong mag-artista 20. Si Aiko nag-umpisang mag-artista 13. So noong mga 22 na ako, 23, saka pa lang siya nag-uumpisa."

 

 

Aminado ang anak ng "Comedy King" na si Dolphy na may chemistry silang dalawa lalo na noong Dekada '90. Aniya, namumura pa raw sila ng mga direktor dahil sa tawanan at harutan sa pagitan ng takes tuwing may pelikula.

Bagama't minsa'y napapahiga sila nang magkatabi, hindi na raw nila napili pang lagyan ito ng malisya.

"Ganoon kami naging ka-close ni Aiko. Kaya din 'yung love team namin, maski malaki 'yung difference noong age namin, nag-work din siya. Una sa lahat, mabuting tao 'yan," dagdag pa niya.

"[Mas pinili na lang namin] 'yung friendship."

Ayon pa sa 56-anyos na aktor, na siyang head na ngayon ng pinakabagong talent management arm ng Net 25, nagkaroon naman daw siya ng mga karelasyon noon.

Gayunpaman, wala lang daw talagang nagwo-work dahil hirap siyang may kasama sa bahay. Mas gusto raw kasi niyang napag-iisa.

"To be honest it came to a point na I wanted to do surrogacy.  Kasi kapag surrogacy iniisip ko less problema, baby lang ang iisipin ko."

"However, ang nangyari kasi my dad died, so, I was asked to take over, ako ‘yung parang executor ng estate."

Taong 2002 nang aminin ni Aiko na type niya si Eric. Aniya. kung iibig man daw siyang uli, malamang ay sa kagaya ng aktor.

Dating naging asawa ni Aiko ang aktor na si Jomari Yllana, na siyang kasalukuyang nagsisilbi bilang konsehal ng Parañaque City.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

DOLPHY

ERIC QUIZON

LOVE TEAM

OGIE DIAZ

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with