^

PSN Showbiz

After Jomari, si Eric ang choice ni Aiko

RATED A - Aster Amoyo -
Mukhang wala nang makakapigil sa patuloy na pagbulusok ng The Hunks na binubuo nina Diether Ocampo, Piolo Pascual, Carlos Morales, Jericho Rosales at Bernard Palanca dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon sila ng kanilang first major concert sa Folk Arts Theater on Valentine’s Day na pinamagatang "Hunks: First Time Mo? (The ‘Virgin’ Valentine Concert)" na ididirek ni Johnny Manahan with Homer Flores as musical director.

This early ay excited na ang grupo sa kanilang nalalapit na Valentine concert kung saan nila makakasama as special guests sina Aiai delas Alas, Kristine Hermosa, John Lapus at Rica Peralejo.

Samantala, before the Valentine concert ng The Hunks sa FAT, magja-Japan muna si Piolo dahil meron itong show with Side A, Pops Fernandez at Troy Montero sa Nakano Sun Plaza Hall in Tokyo, Japan on February 3. Ito’y may kinalaman sa pagiging endorser nina Piolo at Troy ng mga prepaid cards na ipinamamahagi sa Japan, Hongkong at Amerika. Piolo will be accompanied to Japan by his mom na nakasama niya sa kanyang one-month vacation sa Europe last December.
* * *
Nag-blush si Eric Quizon nang aminin ni Aiko Melendez on national television na type niya ang binata ng ace comedian na si Dolphy. Since si Eric ang interviewer at interviewee naman niya si Aiko, biglang nawala si Eric sa kanyang frame of mind.

Sinabi kasi ni Aiko na if ever na iibig siyang muli (after her ex-husband Jomari Yllana), it will be with somebody like Eric na ikinabigla siyempre ng huli. Lingid sa kaalaman ng marami, matagal na ring magkaibigan sina Eric at Aiko at matagal din silang nagkasama sa isang TV program at ilang pelikula.

Ano kaya’t totohanin ni Eric ang panliligaw kay Aiko? Mag-react kaya si Jomari?

Si Eric, by the way, ay isa na sa mga bagong karagdagang host ng S-Files on GMA-7.
* * *
Personal na pinabulaanan sa amin ng sexy star na si Klaudia Koronel na siya’y buntis na ibinalita ng isang afternoon showbiz TV talk show.

Nalulungkot lang si Klaudia sa balitang ito dahil kung kelan nga naman siya pursigido na pagbutihin ang kanyang trabaho at ang kanyang pag-aaral ay saka pa may lumabas na balitang siya diumano’y nagdadalang-tao.

Ayon kay Double K, gusto umano niyang makapagtapos ng kanyang pag-aaral nang matulungan niya lalo ang kanyang pamilya. Sa ngayon, si KK na rin ang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya and she’s also sending her young siblings to school.
* * *
Nakakatuwa ang pagmamahalan ng ‘magkakapatid’ na Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth de Leon. Sa kabila na magkakaibang ina ang kanilang pinagmulan, iisa ang kanilang damdamin bilang magkakapatid at pagmamahal sa kanilang kinilalang ina, si Nora Aunor.

Habang nagsisilaki sina Ian, Matet, Kiko at Kenneth, si Lotlot (bilang panganay) ang umako ng responsibilidad ng kanilang ina dahil sa pagiging abala nito sa kanyang trabaho. Napunuan ni Lotlot ang pagkukulang ni Guy sa kanyang mga anak laluna sa panahon na nagsisilaki ang mga bata. Hindi lamang big sister kundi second mother ang naging turing nila kay Lotlot na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapabaya sa kanila sa kabila na meron na itong sariling pamilya.

Kapag naaapi ang sinuman sa kanilang magkakapatid, si Lotlot parati ang kanilang tagapagtanggol. And she’s always there for them anumang oras na kailangan siya ng kanyang mga kapatid.

Sa isang panayam, sinabi ni Matet na kahit magkakahiwalay silang magkakapatid, parati umano silang may oras para sa isa’t isa.

Sa ngayon, walang kapisan si Guy sa alinman sa kanyang limang anak. Si Kenneth ay kina Lotlot at Monching nakatira, kay Ian si Kiko at mag-isa namang namumuhay si Matet.

"Hiwalay man kami kay Mommy (Guy), hindi ito nangangahulugan na hindi namin siya mahal. Ang totoo niyan, mahal na mahal namin siya," deklara ni Matet na siyang tinaguriang rebelde sa pamilya.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

IAN

KANILANG

KANYANG

KIKO

LOTLOT

MATET

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with