^

PSN Showbiz

Derek napatunayang ‘di baog, Ellen nakunan habang nasa Spain!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek napatunayang �di baog, Ellen nakunan habang nasa Spain!
Kasama ng mag-asawa ang magulang ni Derek na kung saan doon nila sinilebrayt ng Mommy niya ang kanyang kaarawan.

Ibinahagi ni Derek Ramsay sa media conference ng MMFF entry niyang Kampon na nakunan ang misis niyang si Ellen Adarna nung nakaraang buwan habang nagbabakasyon sila sa Spain.

Kasama ng mag-asawa ang magulang ni Derek na kung saan doon nila sinilebrayt ng Mommy niya ang kanyang kaarawan.

Magandang birthday gift sana iyun sa kanyang Mommy, pero sa kasawiang palad, hindi natuloy ang pagbubuntis ni Ellen.

Ini-relate ni Derek ang character niya sa pelikulang Kampon na kung saan ginagampanan niya ang role bilang si Clark Martinez na isa palang baog.

Pero hindi naman daw siya si Clark dahil kaya naman niyang magka-baby. Pero nalungkot lang siya sa nangyari. “Si Clark kasi sa pelikula, sabi ng mga doktor, baog. ‘Yun yung problema naming mag-asawa sa film.

“To be honest, ako ang worried kasi medyo tumatanda na rin tayo. So, akala ko baog din ako. Pero nung nasa Spain kami, nalaman namin na preggy si Ellen, and then, unfortunately, we lost the baby,” malungkot na pahayag ni Derek sa mediacon ng Kampon na entry ng Quantum Films sa nalalapit na film fiesta.

“Pero, at least alam namin na hindi kami baog. So, first attempt pa lang naman, and nag-successful...unsuccessful. So, yun lang talaga ang ifo-focus namin na we can get a full pregnancy right away,” dagdag niyang pahayag.

Sabi pa nga ng aktor, parang lutang pa raw siya nang humarap siya sa entertainment press dahil sariwa pa sa kanyang alaala ang malungkot na nangyari sa kanilang mag-asawa. “Hindi ko alam kung ano yung napi-feel. Kasi rollercoaster e. Super happy, biglang lowest of the low.

“She’s pregnant, she’s not pregnant. Di pa masabi ng doktor na hindi raw talaga malalaglag, you know. Ang daming tanong na hindi masagot.

“Paglapag namin galing Spain, deretso kami ng hospital, ultrasound. So, it’s super rollercoaster of emotions. But, priority is, Ellen is okay. She’s safe, and ‘yun. Yung good thing is, at least now, we know that we can have a baby,” sabi pa ni Derek.

Nandiyan pa rin ang hope nila na pasok sa Year of the Dragonang kanilang magiging eldest.

Wish  nila na magka-baby girl sila at lalo siyang naghangad na magka-baby girl dahil sobra siyang natuwa sa anak nila sa pelikula na si Beauty Gonzalez na ginampanan ng bagets na produkto ng Mini Miss U ng It’s Showtime na si Erin Espiritu.

Alden, sampalataya sa loveteam

Pagkatapos ng break-up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, parang wala pang maisip kung sino kaya ang posibleng pumalit at maaaring sumunod sa kasikatan kagaya ng KathNiel.

Merong DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at sana puwedeng mangyari sa YsaGuel na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

Malaking bagay daw talaga ang loveteam, at ang sabi nga ni Alden Richards sa nakaraang grand media conference ng MMFF entry ng Cineko Productions na Family of Two (A Mother and Son Story), malaki raw talaga ang nagagawa ng loveteam sa showbizcareer ng isang artista. Kaya ang laki raw ng utang na loob niya sa loveteams kaya naabot niya ang success na tinatamasa niya sa kanyang showbiz career.

“There’s nothing wrong being part of a loveteam. And I think it’s a Filipino culture that I think we have to respect that. Meron po kasing nag-comment na nakikita natin na parang nilu-look down nila yung pagiging part nung loveteam.

“Masakit yun on our part na knowing...baka kailangang mag-reality check tayo kung saan ba tayo nag-start.

“And anything that has been ahh contributing factor to our career and success, parang no one has the right to look down on that, saad ni Alden Richards.

Dagdag pa niyang pahayag; “Ako po kasi, of course I’ve been a product of loveteams, and I’m not ashamed. Hindi ko po ikinakahiya na marami po akong naka-loveteams before. And hindi ko po ikinakahiya na dun ako nagsimula.”

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with