^

PSN Showbiz

Jinkee at Sylvia, may tapatan sa pagbili ng 10 carat diamond!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee at Sylvia, may tapatan sa pagbili ng 10 carat diamond!
Jinkee Pacquiao
STAR/ File

Grabe ang mga Donya ngayon ng showbiz, namamakyaw raw ng mga 10 carat diamond.

At kasama rito sina Jinkee Pacquiao at Sylvia Sanchez.

At si Jinkee raw, cash payment. Yup, in cold cash daw kung magbayad ng mga sina-shopping na alahas.

Na contradicting sa mga naglalabasang intriga na wala na silang pera ni former senator Manny Pacquiao.

Pero bukod sa diamond shopping, katatapos lang ng kanilang mansion sa General Santos.

Kung sabagay si Jinkee na pala ang ma­nager ng mister na boksingero. Lahat daw ng endorsement ni Manny, si Jinkee ang nagpepresyo kaya marami nga siyang pang-shopping.

Si Sylvia, hindi na kailangang sabihin kung ano ang ibinabayad niya.

Anyway, trend ngayon sa mga Donya ng showbiz ang 10 carat diamond.

‘Yung tipong parang mapipigtas na ang tenga mo sa bigat ng diamond.

Pero meron din daw hanggang tingin lang na ang image ay super Donya sa showbiz.

Ni-recommend pa raw ito ng isang sikat na actress at nag-assure na bibili ito, pero waley, hanggang tingin lang daw ang nasabing hindi pala totoong donya ng showbiz.

Kabilang din sa madalas kong makitang naka-10 carat diamond si Ms. Rei Tan ng Beautederm.

vuukle comment

DONYA

JINKEE

SYLVIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with