^

PSN Showbiz

Sinagot sa CIA...mister pwedeng kasuhan ng rape!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sinagot sa CIA...mister pwedeng kasuhan ng rape!
Ang tanong na ito ay nanggaling sa isa sa mga miyembro ng ‘Mariteam’ sa segment na ‘Yes or No’ sa episode nitong Linggo, Nobyembre 26.
STAR / File

MANILA, Philippines — Habang nananatili pa rin itong katanungan para sa karamihan, deretsahang sinagot ng ‘CIA with BA’ kung maaari bang kasuhan ng rape ang asawa, kahit pa kayo ay kasal.

Ang tanong na ito ay nanggaling sa isa sa mga miyembro ng ‘Mariteam’ sa segment na ‘Yes or No’ sa episode nitong Linggo, Nobyembre 26.

“Pwede po bang kasuhan ng rape ang asawa? Yes or No?” tanong ni Queen Manilyn.

“The answer is ‘yes,’” sagot ni Pia Cayetano.

“Konting background, medyo bago itong batas na ‘to — bago in a sense na noong nag-aaral pa lang ako ng law, hindi pa ‘yan batas,” pagbabahagi niya. “[But like] I said, nag-e-evolve tayo, nagma-mature ang society so naging understood ‘yon na kasama sa karapatan ng babae ‘yung katawan naman niya.”

“Hindi naman porke’t nag-asawa tayo, na mahal na mahal mo ‘yung asawa mo, nagmamahalan kayo, kung kailan lang niya gusto, siya ang magde-decide? ‘Di ba? So talagang rape pa rin kahit mag-asawa, ‘pag pinilit,” pagpapaliwanag ni Pia. “So in a loving relationship, dapat mutual.”

Sinuportahan naman ito ng kapatid niya na si Alan Peter Cayetano sa paliwanag na may spiritual context.

“Maraming nagquo-quote sa Bible na kapag mag-asawa kayo, ‘do not deny your body to the other.’ That’s directed to both of you. So ibig sabihin, hindi inaalis ng Bible na may personal choice at consent ka,” sabi niya. “So ‘pag pinilit mo, rape pa rin ‘yon.”

Nasa ika-apat na season na ang ‘CIA with BA’ mula noong umere ito noong Pebrero 5, 2023.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

vuukle comment

PIA CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with