^

PSN Showbiz

Noong July 23 pa sana...Toni, hirap sa panganganak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Noong July 23 pa sana...Toni, hirap sa panganganak!

Nakatutok ngayon ang buong pamilya ni Toni Gonzaga sa kanyang nalalapit na panganganak.

Ito ang dahilan kung bakit nag-leave muna ang Presidential Adviser for Creative Communications na si direk Paul Soriano.

Nung Martes, ay ibinalita na mismo ng Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil sa media na sumama sa State visit ng Pangulong Bongbong Marcos sa Malaysia na nag-leave muna si direk Paul. Ang sabi nila ‘personal reasons’, at ito nga ang nalalapit na panganganak ni Toni.

Napag-alaman naming nung July 23 pa dapat ang due date ni Toni, at nasa hospital na ito. Pero as of yesterday ay hindi pa rin nakapanganak ang actres/TV host.

Tinanong namin ang ilang taong malapit sa mag-asawa at sinabi nilang nahihirapan daw talaga ngayon si Toni sa kalagayan niya. Iba raw ang hirap na pinagdaanan nito ngayon, kung ikumpara nung ipinagbubuntis niya ang panganay nilang si Seve.

Kaya nag-pass na muna si direk Paul sa pagdirek ng SONA ng Pa­ngulong Bongbong Marcos.

Ang hirap naman daw kung mag-focus siya sa SONA na anytime ay manganganak na ang kanyang asawa. Sabi nga ng ilang taong malapit kina direk Paul at Toni, labas-masok daw ng hospital si Toni dahil nahihirapan na ito.

Meron daw mga araw na pinapag-bed rest ito ng doktor. Nung Martes din ay nag-post si Toni sa kanyang Instagram story. Nasa caption nito, “Since the start of July it’s been Home-Doctor-Home-Doctor for me...”

Nasa IG story rin nito na nagpapasalamat siya kay direk Paul na nagbabantay sa kanya sa hospital. “Thank you for never leaving my side in this last stretch...Needed you now more than ever...Thank you for being the best partner in this journey...Anytime now...Love you.”

Sinagot naman siya ni direk Paul ng, “Kuya Seve and I are always here for you.”

Pati si Alex Gonzaga ay may mensahe rin sa kanyang ate ng, “Thought I was going to be Tita again last July 23, but still waiting and praying for you sisss. Kayang kaya mo yan! Laban lang walang bawi.”

Ayon sa ilang taong malapit sa mag-asawa na napagtanungan namin, “Kaya matagal na siya (direk Paul) nag-leave as in, before the SONA, last week.

“Ang due date ni Toni nung July 23. Dapat manganganak na si Toni nung Linggo. Pabalik-balik na sila ng hospital.

“Kasi may nagkakalat na wala na siya sa Malacañang. Hindi totoo. Kasi mali talaga. Ang totoo, manganganak na si Toni. Ang hirap naman na nasa SONA siya, anytime manganganak na si Toni.”

Si direk Paul din ang nag-aalaga sa panganay nilang anak na si Seve. Pero lahat daw sila ay nakatutok kay Toni, dahil nakikita raw nilang nahihirapan na ito sa kanyang kalagayan. Hindi na lang daw nagku-complain at tinitiis na lang nito.  “Siyempre, tahimik lang si Toni, mabait lang talaga. Pero itong pregnancy na ‘to hindi madali. Una, ‘di ba natagalan bago nabuntis ‘di ba?

“Pitong taon, almost 7 years, tapos nung nabuntis uli, 39 na siya. Kaya hindi talaga madali. Hirap siya ngayon. Mabigat na mabigat daw ‘yung baby. Saka balik-balik na sila ng hospital. Maselan ‘tong pregnancy niya. Hindi madali. Hindi lang mareklamo si Toni,” saad ng source naming ayaw pabanggit ang pangalan.

Kaya dalangin din naming maging safe si Toni sa kanyang panganganak.

Beaver at mutya, nabiktima ni Egay

Naantala ang shooting ng pelikulang Magic Hurts ng Rems Films Production na nasa Baguio na ngayon.

Nakaakyat na sa Baguio ang buong cast ng naturang film project, pero inabot sila ng bagyong Egay.

Dapat ay magsisimula na sila kahapon, pero natengga sila dahil sa ang lakas daw ng ulan na sinasabayan din ng malakas na hangin.

Hindi pa raw nila alam kung makapagsimula na sila agad, dahil sa sama ng panahon.

Pero excited ang buong cast lalo na ang lead stars nito na sina Beaver Magtalas, Mutya Orquia at Maxine Trinidad.

Sa Baguio at sa Atok, Benguet kukunan ang kabuuan ng pelikula, dahil ang gusto raw ng direktor nitong si Gabby Ramos, mala-Korean daw ang look nito.

Kaya bukod sa tatlong bida, may pagka-tsinito at tsinita ang ibang cast.

Sabi ni direk Gabby, “Ang gusto ko pong ipakita talaga na kaya naming gumawa ng replica, hindi lang replica, mas maganda sa Korean film. Kaya number one choice ko medyo tsinito. ‘Yung pagka pinadala sa ibang bansa ‘to, maiisip nila kung anong nationality ito?”

Gusto rin daw nilang magkaroon ng cinema screening, pero balak nilang ibenta ito sa ilang streaming service kagaya ng Netflix, Amazon Prime, at marami pa.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with