^

PSN Showbiz

Pag-ibig ni Janine, ‘di sinuklian

Pilipino Star Ngayon
Pag-ibig ni Janine, �di sinuklian
Janine Berdin

MANILA, Philippines — Tungkol sa pagmamahal na hindi sinuklian ang kanta ni Janine Berdin na bagay nga tayo pero, ang pinakabago niyang proyekto kung saan naipamalas niya ang galing mula sa pagsulat ng kanta hanggang sa pagpili ng cast na bibida sa music video nito.

Pinagmamalaki niya ang bagong pop single na siya rin ang nagprodyus katulong sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Eugene Yaptangco.

“I’m so so proud of this one, wrote and did some arranging and producing overall,” sabi ng Tawag Ng Tanghalan season 2 grand champion.

Sa unang pagkakataon, nagamit ni Janine ang kanyang talento sa visual arts dahil siya mismo ang gumawa ng cover art ng kanta. Siya rin ang lumikha ng lyric video nito sa tulong ng ilang mga kaibigan.

Para naman sa nalalapit na ilabas na music video ng kanta, si Janine mismo ang bumuo ng konsepto at nanguna pa sa casting.

Inilunsad niya ang kanyang debut EP na WTF I actually wrote these songs noong nakaraang taon. Tampok dito ang mga awiting The Side Character, Pagod Na Ako, SHE WAS ONLY 16, at iba pa.

Kilig to the bones, hatid ng MavLine sa Zero Kilometers Away

Mahigit 35 million views and counting na sa Facebook at Youtube ang pagpapakilig na inihatid ng Sparkle Sweethearts na MavLine sa Zero Kilometers Away, ang digital series ng GMA Public Affairs na nagtapos kamakailan.

Napaka-relatable kasi ng kwento nina Ardi (Mavy Legaspi) at Gwen (Kyline Alcantara), lalo na para sa mga naghahanap ng kanilang one true love.

Inabangan din dito ang mga respetadong TV personality gaya nina Kara David, Kuya Kim Atienza, Drew Arellano, at Iya Arellano na nasa ‘artista era’ nila, ayon sa viewers.

Dapat ding pakaabangan ang isa pang digital series ng GMA Public Affairs – ang In My Dreams na pagbibidahan naman nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

This April na ito mapapanood online.

vuukle comment

JANINE BERDIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with