^

PSN Showbiz

Korina, fresh na fresh ang dating

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Korina, fresh na fresh ang dating
Korina

Alam mo, Ateng Salve, ‘kaaliw talaga kapag kasama ko ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

Kasama namin ni Bisaya ang kaibigan naming si Ms. Vina Verastigue ng Orange County, California (na madalas makasama sa lugar na ‘yon si Kris Aquino) at sumunod sa amin si Ruffa na galing sa interview with Korina Sanchez para sa promo ng Martyr or Murderer.

Naka-order na kami, kaya nakita ni Ruffa ang French fries na order ng kanyang nanay. Gusto sana ng actress-TV host na ipa­init na lang ang tirang French fries ni Bisaya.

“Ipainit na lang natin ‘tong French fries,” sey ni Ruffa, pero komontra ang kanyang nanay at sinabing, “Ano ka ba, Ruffa. Ang konti na lang niyan (French fries). Um-order ka na ng bago!”

Sagot naman ni Ruffa, “Ma, kapag gusto kong kumain, palagi mong sinasabi na tataba ako. Ngayon naman, itong tira mo lang ang gusto kong kainin, pinipilit mo naman akong um-order. ‘Kaloka ka, Ma!”

Natawa na lang si Bisaya sa dialogue ni Ruffa.

Nakakaaliw talaga ang mag-ina, dapat talaga naka-ready palagi ang camera ko dahil para silang nasa sitcom kapag magkasama.

Hehehe!

Anyway, nag-join din sa amin si Karla Estrada sa merienda namin.

Dapat kasi ay magkikita sina Ruffa at Karla, pero pinasunod na lang ng una ang nanay ni Daniel Padilla.

Nang umo-order na si Karla, parang puro healthy ang gusto niya, kaya sabi ko, “You’re in diet ba, Mare (paborito naming tawag sa kanya)?!”

“NO!” ang madiing sagot ni Karla.

Anyway, sa chikahan namin, ikinuwento ni Ruffa ang tungkol sa interview niya kay Korina.

Dalawa raw ‘yon. Isa para sa TV5 show ni Korina, ang Rated Korina at isa ‘yung sa NET25 na Korina Interviews.

Puring-puri ni Ruffa si Korina. Gandang-ganda siya sa misis ni Mar Roxas. Fresh na fresh nga raw ang TV host-producer.

So nice!

Ex-couple, kasado na ang reunion concert!

Tuloy na tuloy na raw ang project ng isang ex-couple.

Pero hindi pelikula ang una nilang gagawin, magko-concert daw sila together.

Kahapon, nag-meeting uli ang kampo ng sikat na actress-singer at kampo ng aktor na ex-husband niya.

Maganda raw ang concept ng concert na gagawin ng ex-couple.

Kantahin din kaya nila roon ang famous duet nila na Come What May na talaga namang kinakikiligan ng fans?

‘Yun na!

vuukle comment

KORINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with