^

PSN Showbiz

Markus, wala na sa radar ni Janella

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Markus, wala na sa radar ni Janella
Markus Paterson

Parang walang-wala na sa radar ni Janella Salvador si Markus Paterson.

Wala nang nagtatanong sa kanya tungkol sa ama ng kanyang anak.

Sa kasalukuyan ay proud si Janella na naging idol siya ng maraming babae at single moms nang gampanan niya ang role ni Regine / Valentina sa magtatapos na teleseryeng Darna.

“It gave me the confidence that I’m really for this industry kasi I usually doubted myself before,” aniya tungkol sa ginampanang role sa magtatapos na teleserye ng ABS-CBN.

Aniya pa, marami rin siyang natutunan sa nasabing character para sa kanyang sarili. “Perfect timing and everything, super,” pag-amin ng aktres sa ginanap na presscon days ago.

“Mas matapang ako ngayon after becoming a mom na tumanggap ng ibang roles because why not? I mean, wala akong tinatago ngayon. This is me. It’s who I am.

“Kaya siyempre, pipiliin ko pa rin ‘yung mga role kasi siyempre hindi naman pwedeng basta-basta tatanggap lang ako nang tatanggap. It really depends on how it’s portrayed if may redemption or it’s properly portrayed,” dagdag niya sa tanong kung handa pa ba siyang tumanggap pa rin ng kontrabida role.

Ito rin ang first starring role pagkatapos niyang manganak. “This is actually my first role after motherhood and hindi ko alam if it’s because of motherhood or also because the role is really so well written but tulad ng sabi I really grew as an actress. Mas may confidence ako to take on different roles. Mas minahal ko ‘yung craft ko dahil sa role na ‘to. Excited ako na gumawa ng iba’t ibang klaseng mga macha-challenge sa’kin.”

“Gusto kong maging katulad niya. Gusto ko talagang ipaglaban kung ano ang tama. Gusto kong magkaroon ng boses at maging boses ng henerasyon,” banggit pa niya sa presscon.

Samantala, bitbit ang pagnanais iligtas ang Nueva Esperanza at ipaghiganti ang pagkamatay ni Regina/Valentina (Janella Salvador), handa na si Darna (Jane de Leon) na harapin ang pinakamatinding giyera na sisindak sa huling dalawang linggo ng Mars Ravelo’s Darna.

Nakalatag na ang plano ni Heneral Borgo (Richard Quan) para mapatay si Darna pagkatapos patayin ng kanyang Super Soldiers si Regina.

Samantala, dinumog naman ng libu-libong fans ang back-to-back #DarnaCaravan na ginanap sa Vista Mall Bataan at Robinsons Galleria South sa Laguna noong Sabado (Enero 28 ) at Linggo (Enero 29). Nagpasalamat ang Darna cast sa mga manonood sa patuloy nilang suporta at pagmamahal sa programa.

Lilipad din ang Darna cast sa KCC Mall sa General Santos City sa Biyernes (Pebrero 3) at Ayala Malls Trinoma sa Linggo (Peb. 5) para sa pagpapatuloy ng caravan.

Simula nang umere ang Darna noong Agosto 2022,  namayagpag ang programa bilang isa sa top-rating series sa telebisyon at digital.

vuukle comment

MARKUS PATERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with