^

PSN Showbiz

Juday at Gladys, nag-reunion pagkatapos ng 5 taon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Juday at Gladys, nag-reunion pagkatapos ng 5 taon!
Gladys at Juday
STAR/ File

Ang saya ng pagkikita muli nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes sa Dreamplay nung nakaraang Sabado sa 7th birthday party ng anak nina Juday at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo.

Noon pa man ay nabanggit na sa akin ni Gladys na nami-miss na raw niya ang kanyang bestfriend.

Hanggang telepono na lang sila nag-uusap, pero halos limang taon na raw silang hindi nagkikita.

Ilang okasyon na raw ang dumaan, hindi natutuloy ang pagkikita dahil hindi nagtutugma ang kanilang schedule.

“Nung in-invite ako sa birthday ni Juday, ka-birthday naman niya ang bunsong anak ko, si Gavin.

“Nung 45th birthday ko naman, hindi naman sila nakapunta.

“Kaya almost five years ‘di kami nagkita. Hindi nagtatama ang schedule namin.

“Nung birthday ni Yohan, kasabay naman sa birthday ng pangatlong anak ko si Grant.

“Buti na lang this January, sakto wala ako ta­ping at walang kasabay na birthday,” text sa akin ni Gladys nang kinumusta ko ang pagkikita nila uli ni Judy Ann.

Pero ang riot doon sa party ay ang hula hoop challenge ni Gladys sa mga nakakasalamuha niya.

Hinanap daw kasi ni Mommy Carol ang hula hoop na laging dala ni Gladys.

Aba! Dala nga niya, kaya kinuha niya ito at naghabulan sila ni Judy Ann, dahil ayaw pa sana nitong mag-hula hoop.

Pero napilit ito ni Gladys, at abangan daw ito sa kanyang vlog.

“Kahit saan naman, dala ko ang hula hoop, kahit noong nag-Japan aka. Naa-assemble at nadi-disassemble naman ‘yun. Pero ang request talaga ng marami naming followers ni Juday ay dalawa: mag-hula hoop kami at mag-TikTok,” bulalas ni Gladys.

As of yesterday ay halos 70K likes na ang TikTok post na ‘yun at mahigit isang libo na ang comments.

Pati nga sina Ciara Sotto at Iya Villania na nandun din sa party kasama ang kanilang anak ay napa-hula hoop pa ni Gladys.

Nadamay pa niya si Yohan at ang mascot doon sa party.

Ang sayang tingnan ng magkaibigang ito na sobrang na-miss na nga raw nila ang isa’t-isa.

Fans, halu-halo ang reaction sa GMA shows ‘23

Samu’t-sari ang komento ng netizens sa mga programang abangan sa GMA 7, ngayong taong 2023.

Maraming magagandang programa ang nasimulan na at ang iba ay binubuo pa lang.

Isa na rito ang panghapong serye na maglulunsad kay Herlene Budol bilang aktres.

Dalawa ang leading man niya rito na sina Benjamin Alves at Rob Gomez.

Sa teaser na ipinakita, medyo naninibago pa si Herlene.

Sabi ng ilang taga-production, first taping day pa lang daw ‘yun at nag-a-adjust pa nga ang comedienne/beauty queen. Pero ngayon ay tuluy-tuloy na raw ang taping, at napupuri raw si Herlene dahil feel na feel na niya ang karakter na ginagampanan niya.

Magaling na raw ito at kumportable na siya sa co-actors niya.

Gustung-gusto nga si Herlene ni Sandy Andolong na gumaganap bilang ina niya.

Samantala, nasa teaser din ang isang pang-GMA Telebabad na Royal Blood.

Sa pagkakaalam ko, ito ‘yung teleseryeng gagawin na ni Dingdong Dantes.

Binubuo na raw nila ito at malapit na ring simulan ang taping.

Nakapagbangko na ng maraming episodes ang Family Feud, kaya kakayanin daw sa schedule ng GMA Primetime King.

Simula ngayong araw ay bagong episodes na ang mapapanood sa Family Feud na isa sa maglalaro ngayong araw ay si Jessica Soho.

vuukle comment

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with