^

PSN Showbiz

JM, inaming gusto si Donnalyn

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM, inaming gusto si Donnalyn
Donnalyn at JM

Madalas na nakikitang magkasama sa socia media sina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome sa social media. Napababalitang mayroon na diumanong espesyal na namamagitan sa dalawa ngayon. “Very close friends po,” bungad ni JM.

Aminado ang aktor na malaki ang kanyang paghanga sa dalaga. Para kay JM ay hindi lamang ang panlabas na kaanyuan ni Donnalyn ang maganda kundi talagang maganda rin ang kalooban nito. “Umaasa po ako. Nagpaparamdam-paramdam. Isa po niya akong taga­hanga. Mayroon akong gusto sa kanya. Sobrang bait, sobrang telegenic, sobrang headstrong, wise, responsible and independent. Ngayon malalaman na niya,” nakangiting pagtatapat ng binata.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nakahanda na raw muling pumasok si JM sa isang bagong relas­yon. “Siguro, oo naman. Matagal-tagal na rin akong walang karelasyon. Hindi pa siguro ready mag-settle down, pero focus muna ako sa career. Humahanga lang naman ako,” giit ng aktor.

Samantala, masayang-masaya si JM dahil muling makagagawa ng isang teleserye. Makakasama ng aktor sina Kim Chiu, Paulo Avelino at Maricel Soriano sa Linlang. “Kinakabahan po kasi ako noong una kasi first time ko po sa Dreamscape. First time ko po makakatrabaho sina Paulo. Si Kim sa movie pa lang, sa teleserye first time, tapos si Ms. Maricel din. Kinakabahan po ako, lagi naman pong may pressure kapag may bagong teleserye. Simula pa lang kasi ang istorya nagdi-demand lagi ng mabigat na responsibilidad for us actors,” pagtatapos ng binata.

AC, may ginawang Hollywood song

Kabi-kabilang proyekto ang ginagawa ni AC Bonifacio ngayon. Masaya ang actress-singer-dancer dahil muling nabibigyan ng pagkakataong makapagtanghal sa iba’t ibang bansa. “I feel like we’re back to normal po talaga because right before pandemic, before lockdown happened, I was in L.A. doing stuff for Dance On and other brands and it paused for two years. I missed all my friends. I missed tours. I missed dancing and now that we’re back to doing tours with Star Magic, with ABS, with my fa­mily and co-artists. It’s amazing and I know everyone is going to enjoy the stuff we do,” nakangiting pahayag ni AC.

Sa Nov. 5 ay isa ang dalaga sa mga mapapanood ng ating mga Kapamilyang nasa Las Vegas para sa ASAP Natin ‘To. Kamakailan ay nag-shoot ng kanyang mga music video sa Los Angeles si AC. “The stuff I’m doing here (in Los Angeles) is for a bunch of things that will be released in the Philippines. I have an original song coming out that I wrote, coming out very soon, also a Hollywood song that’ll will come out maybe sooner that you think,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

DONNALYN BARTOLOME

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with