^

PSN Showbiz

Annabelle, ayaw maging kontrabida sa balikan nina Ruffa at Yilmaz

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Annabelle, ayaw maging kontrabida sa balikan nina Ruffa at Yilmaz
Annabelle
STAR/ File

May nagkuwento sa akin, Ateng Salve, na may ilang press people ang lumapit kay Annabelle Rama sa presscon ng Maid in Malacañang noong Sunday sa Manila Hotel.

Inusisa raw si Bisaya kung okey lang sa kanya na magkabalikan sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas?

Sey naman daw ni Bisaya, walang problema sa kanya ang bagay na ‘yon.

Nang makatsikahan ko nga ang Gutierrez matriarch at tanungin tungkol sa dialogue niyang ‘yon, aba, may maganda naman siyang paliwanag.

Noong kahihiwalay lang kasi nina Ruffa at Yilmaz ay very vocal siya sa pagsasabing ayaw niyang maki­pagbalikan ang kanyang anak sa tatay ng mga apo niyang sina Lorin at Venice.

“Siyempre, tinanong ako, ‘yon ang isasagot ko. Ayoko namang maging kontrabida sa mga apo ko. Baka kung sabihin ko na ayokong magkabalikan sina Ruffa at Yilmaz, sasama naman ang loob sa akin nina Lorin at Venice.

“Na-reunite na sila sa kanilang tatay, hindi ko naman alam kung ano ang gusto nila. Kaya ganoon ang sagot ko nang tanungin ako.

“Mahirap maging kontrabida. Tama lang na ganoon ang isinagot ko,” sey ni Bisaya.

Well, tama naman ang paliwanag ni Bisaya.

Actually, nakakaloka nga ang ibang mga kakilala ko dahil ako mismo ay tinatanong kung may pag-asa raw bang magkabalikan sina Ruffa at Yilmaz, na ang tanging sagot ko naman ay hindi ko alam dahil sa totoo lang, ayokong makialam sa bagay na ‘yon dahil hindi ko naman alam kung ano ang feelings nila, ‘noh?!

Basta ang maganda, may komunikasyon na uli sina Lorin at Venice sa kanilang tatay at nakatutok na rin si Yilmaz sa mga anak!

Agree, Ateng Salve?!

Donita, mahusay ang PR

Alam mo, Ateng Salve, bilib ako sa ugali ni Donita Rose!

Kahit hindi naman siya active ngayon sa showbiz dahil tutok siya sa pagiging corporate chef ng supermarket na pag-aari ng mister ni Krista Ranillo na si Niño Lim, aba, palagi siyang may time na mag-reply kapag tine-text ko.

Ang layo ni Donita sa isang showbiz personality na kapag may kailangan lang saka nagre-reply at deadma kapag nagamit ka na.

Anyway, type kong makatsikahan si Donita at ang fiancé niyang si Felson Palad at yes kaagad ang sagot ng dating aktres.

Actually, in-invite pa nga niya ako na sumama sa isang concert sa Las Vegas, Nevada on July 30.

Bongga!

‘Katuwa lang ang mga celebrity na katulad ni Donita na marunong mag-appreciate sa press people, ‘noh?!

‘Yun na!                                                           

vuukle comment

PR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with