^

PSN Showbiz

KyChie, may landian sa beach

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
KyChie, may landian sa beach
Kyle at Chie.

Kilig at good vibes ang handog ng dating PBB Kumunity celebrity edition housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno sa iWantTFC original series na Beach Bros, na pinagbibidahan din nina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr.

Mapapanood nang libre ang feel-good serye umpisa sa Hulyo 16, na tungkol sa gwapong binata na si Dave (Kyle) at ang barkada niyang kilala bilang Baler Boys na sina Billy, Jeremy, Jason, at Pete (Lance, Sean, Brent, at Raven).

“You only live once” ang life motto ng kanilang grupo kaya naman nagsusumikap sila bilang mga waiter at pool boy sa isang enggrandeng resort para matupad ang pangarap nilang manirahan sa Manila.

Kahit sinasakyan nila ang mga kalokohan ng isa’t isa, mayroon pa rin silang pinagdaraanan na mga pagsubok sa kani-kanilang buhay.

Desperado si Dave na kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang mag-aral sa Manila; nagkakalabuan naman si Billy at ang kanyang matinong girlfriend na si Yasmine (Angelica); si Jason ay may lihim na pagtingin kay Erika (Kira); habang si Pete naman ay may tinatagong feelings para sa kanyang best friend.

Magbabago ang buhay ng kanilang barkada nang makilala nila si Nicole (Chie). Si Nicole ay isang misteryoso at sexy na babaeng tila tutulong sa kanilang barkada kung paano maging wais sa kanilang mga desisyon.

Mapapalapit si Nicole sa kanila, lalong-lalo na kay Dave na patay na patay na sa kanya. Ngunit malalaman ng grupo na mayroon palang ibang pakay si Nicole at may itinatago itong sikreto na maaa­ring ikapahamak nilang lahat.

Dahil dito, mada­damay si Dave at ang buong barkada sa gulo. Dadaan sila sa matinding pagsubok kung saan masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.

Super cute ni Kyle dito. ‘Yung akala mo ay baby pa pero pinagpapantasyahan na.

Ang ganda rin ng lugar, Costa Pacifica, Baler.

Parang gusto mong puntahan para makita ang Baler Boys.

Ang Beach Bros ay sa ilalim ng direksyon ni Victor Villanueva at mapapanood na ito nang libre.

vuukle comment

CHIE FILOMENO

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with