^

PSN Showbiz

Raymond, napabilib sa kasimplehan ni Dominique

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Raymond, napabilib sa kasimplehan ni Dominique
Dominique Cojuangco.

Bilib na bilib si Raymond Gutierrez kay Dominique Cojuangco, ang anak nina Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto.

Sobrang simple raw si Dominique.

Napakabait daw nito, kaya naman sobrang supportive si Mond sa negosyo nito at nagpunta nga siya sa Pride event last Saturday kung saan may booth si Dominique.

“She’s so nice. Ni wala siyang mga bodyguard na nakadikit sa kanya. And maasikaso siya sa amin. Nag-offer pa siya na ikukuha kami ng bottled water. Sobrang simple siya. Nakabibilib!,” sabi ni Mond nang magkatsikahan kami kahapon after ng kanyang guesting sa It’s Showtime kung saan ay magkasama sila ng nanay niyang si Annabelle Rama sa pagiging Sexy Authori-team sa Sexy Babe segment ng show.

Si Ruffa, wala kahapon sa It’s Showtime dahil nagsu-shooting nga ng Maid in Malacañang ng Viva Films, sa direksiyon ni Direk Darryl Yap.

Anyway, going back sa pagsasama nila ng nanay niya sa Sexy Babe segment ng ABS-CBN noontime show, aminado si Mond na stressed siya noong una dahil baka kung anu-ano ang i-comment ni Bisaya.

Pero after naman daw ng first week nila sa show, mas okey na siya ngayon.

“Hindi na ako nai-stress kay Mom. Noong una, panay ang paalala namin sa kanya ni Ate (Ruffa), like, ‘Mom, be careful!’ Sabi naman ni Mommy, nai-stress din siya sa amin. Pero ngayon, mas okey na rin siya.

“Hindi ko na sinasabihan si Mom ngayon na be careful,” kuwento ni Mond.

Hanggang sa Saturday pa sa It’s Showtime ang mag-ina.

Samantala, nilinaw ni Mond na kahit based na siya ngayon sa Beverly Hills, California, willing naman siyang magpabalik-balik ng ‘Pinas kung may work siyang gagawin. Sa ngayon, creative director nga siya ng beauty clinic ni Dra. Vicki Belo. Bongga!

Vice at Ion, sinalubong ng fans sa LA

Ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez sa Tom Bradley International Airport (LAX) kahapon.

In fairness, natuwa ang mga fan nang makita si Vice na dumating na ng LA.

May kasamang staff lang si Vice, pero wala pa ang ibang mga kasama para sa Fully Vice-cinated! US concert tour.

Sa Thursday pa ang alis sa ‘Pinas ni Darren Espanto at makakasabay niya sina MC at Lassy.

Next week, mapapanood pa rin sa It’s Showtime si Vice dahil nakapag-taping siya ng limang episodes.

Kahapon nga pala, kahit wala na sa show si Vice ay pino-promote pa rin ng kanyang mga kasamahang host sa show ang kanyang Fully Vice-cinated! US concert tour.

‘Yun na!

vuukle comment

DOMINIQUE COJUANGCO

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with