^

PSN Showbiz

Rhian, inili-link sa Tiboli

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rhian, inili-link sa Tiboli
Rhian
STAR/ File

OMG aware kaya si Rhian Ramos na inili-link siya sa isang lesbian?

Parang unbelievable naman lalo na ang sinasabing lesbian din.

Pero ito diumano ang kumakalat ngayon.

Well, wala kasi sigurong nali-link ngayon kay Rhian kaya ginagawan siya ng isyu.

After ng relationship ni Rhian sa Israeli boyfriend na si Amit Borsok, wala na uling napabalitang karelasyon ng Kapuso actress na bibida sa Artikulo 247.

Maaalalang inamin ng actress na grabe ang naging stress niya sa ex kaya siya pumayat.

Actress, kumita ng P3 milyon sa kampanya

Kumikita rin naman pala ang ibang artista sa kampanya.

Ang isang actress, tumanggap diumano ng P3 million para ikampanya ang isang partylist.

In all fairness, nabaitan lang daw ang actress sa nominee ng partylist kaya pumayag itong mag-ikot at ikampanya ang nasabing partylist.

Suwerte ni actress dahil ang ibang celebrity nganga at naghihintay kung susuwertehin silang makaraket ngayong eleksyon dahil maraming artista ngayon ang volunteers lang sa kampanya ng mga sinusuportahan nilang kandidato kaya ang mga ito pa raw ang gumagastos.

Toni walang paki sa ibang IG ng celebrity, ABS-CBN nagsalita sa kanyang paglayas!

Nagbigay ng pahayag ang ABS-CBN sa paglayas ni Toni Gonzaga-Soriano pagkatapos ng 16 na taon ng pagiging main host ng Pinoy Big Brother.

“Pinapahalagahan namin si Toni bilang mahusay na program host na nagserbisyo sa mga Pilipino kasama namin bilang Kapamilya.

“Tinatanggap namin ang desisyon niyang magresign sa Pinoy Big Brother at iginagalang namin ang kanyang personal choices,” ang buong statement ng ABS-CBN kahapon.

Pero kung nagpapasalamat ang ABS-CBN, iba naman ang naramdaman ng dating PBB housemate na si Dawn Chang. Aniya sa kanyang post : I am deeply insulted and disappoin­ted by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?

“As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya,” bahagi ng post niya na nang i-check namin ay may 40,000 shares at 90,000 comments.

Hanggang kahapon ay pinag-uusapan sa social media ang ginawa ni Toni sa proclamation rally ng UniTeam at naging issue na diumano’y nag-unfollow na siya sa ibang celebrity.

Pero ayon sa iba, hindi raw talaga nagpa-follow ng marami si Toni as if wala raw itong paki.

vuukle comment

RHIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with