^

PSN Showbiz

Enzo, handa nang pakasalan si Michelle

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Enzo, handa nang pakasalan si Michelle
Enzo at Michelle
STAR/ File

Masaya at maayos ang takbo ng relas­yon nina Michelle Vito at Enzo Pineda. Magdadalawang taon pa lamang na magkasintahan ang dalawa ngayong Pebrero pero ayon sa aktor ay nakahanda na rin siyang pakasalan ang dalaga. “Of course, we wouldn’t be in a relationship right now if hindi namin nakikita ‘yung future namin together. Definitely, nasa utak ko ‘yon. But as of the moment, I think dapat mag-focus muna kami sa careers namin. And Michelle is also busy with a lot of things. Pero ako naman, to be honest, anytime pwede naman ako. Because I really see Michelle as, alam n’yo na. If we’re both ready, why not, ‘di ba? Ako, game na game ako. I would love to spend my time with Michelle,” pagtatapat ni Enzo.

Mula nang naging kasintahan ng binata si Michelle ay malaki na ang kanyang ipinagbago. “I wouldn’t be the person that I am right now if it wasn’t for her. Totoo ‘yung sinasabi na, ‘You are who you surround yourself with.’ So I’m very blessed to have a woman who supports me in any way that she can and who inspires me to become better in all aspects. Become a better son, brother, boyfriend, citizen, actor. Ang laking factor niya sa buhay ko in why I’m doing this. Nakikita naman natin na things are going to the right direction,” makahulugang pagbabahagi ng aktor.

Para kay Enzo ay malaki rin ang naitulong ng pandemya sa kanilang matatag na relasyon ni Michelle. “Because of the pandemic, definitely maturity involved. Because kung hindi naman nagka-pandemic, probably I would still be going out a lot with my friends. Because of the pandemic, it has taught me a lot of things, to value my family, Michelle, to value what real­ly matters in life. It plays a big factor why matibay ‘yung relationship namin ni Michelle. Kasi parehas kaming nag-focus talaga on the essential things in life,” pagtatapos ng binata.

AJ, nag-aaral humawak ng baril

Nakilala si AJ Raval bilang isang sexy star dahil sa mga pelikulang kanyang nagawa noong isang taon. Ngayon ay mapapanood ang dalaga sa Hugas at ibang-iba raw ang tema nito kumpara sa kanyang mga proyekto noon. “Action ito at may training kami dito para maging astig ‘yung mga kilos namin,” bungad ni AJ.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang aktres na makagawa pa ng mas maraming action films.

Si AJ ay anak ni Jeric Raval na sumikat naman bilang isang magaling na action star. “Open na open ako sa pagpapa-sexy at sa action. Pero kung kailangang pumili, mas prefer ko talaga mag-action. Para ‘yung parents natin ang ginagaya natin. Siyempre idol ko tatay ko at sa kanya ako open kung bakit nag-artista ako at paano nag-start dahil sa dad ko. Gusto ko sumunod sa yapak niya,” giit niya.

Tinuturuan din si AJ ng ama kung ano ang mga dapat gawin upang maging maayos ang trabaho kapag action scenes. “Na-guide niya ako kung paano humawak ng baril, ‘yung tamang pagro-rolling. Tapos sa fight scenes tinuruan niya ako sumipa nang mataas at sumutok nang diretso. At saka kasi maamo ‘yung mukha ko, tinuturo niya sa akin kung paano maging maangas ‘yung facial expression,” kwento ng sexy actress.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ENZO

MICHELLE VITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with