^

PSN Showbiz

Korina abalang-abala sa Rated K, napapagkamalang maka-Yorme!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Korina abalang-abala sa Rated K, napapagkamalang maka-Yorme!
Korina
STAR/ File

Hahh hindi pa rin pala nakikita ang asong si Luka na nauna nang ipinanawagan ni Heart Evangelista na nawawala. May offer na silang P50,000 sa sinumang makakapagsauli ng nasabing dog.

Kahapon ay si Korina Sanchez naman ang nag-post nito. “Please help if you can. My friend lost her aspin and Luka is home-bred and may not survive the streets. My househelp insist they saw Luka near the One McKinley Place / Fairways condo building area in the Fort near the jogging trail and circular park as recently as two days ago. Please let us know of any leads and please take Luka and call for pickup and your reward,” post ni Ate Koring na madalas nasa trabaho base sa mga post niya sa social media kaya hindi siya nakasama na nag-beach ng kambal nila ni ex-senator Mar Roxas. “At habang work si Mama ayun! Nasa beach si Pappi at ang kambal. Hmmmmmphhh. But guess what the kids wrote on the sand #PambansangPampaGoodVibes #TatayNiPepeEnPilar,” chika ni ate Koring sa kanyang IG page sa litrato ng kambal na nagsulat sa buhangin ng ‘Hello Mama.’

Almost a week ago din ay binisita lang siya ng kambal sa quarantine home. “And when the twins visit Mama in her quarantine home, shempre, tayo agad. Hay, talagang tawas sa buhay ang mga babies right?”

Ang sipag din kasi ni Ate Koring na sabi nga niya sa huling interview namin ay gusto niya na may sarili siyang kita at ayaw umasa sa ma­yamang mister na dating pulitiko.

As in parati siyang nasa taping ng Rated K na napapanood na sa maraming platforms at hindi na lang sa Kapamilya Channel at TV5.

By the way, aware kaya si Ate Koring na napapagkamalan siyang maka-Yorme (Isko Moreno) dahil kasama ito habang nagso-shoot ang director nila sa Rated Korina na si David Chua para sa isang docu kung saan nasa background siya at nag-birthday charity blowout pa raw ito sa Manila.

Ahh, baka naman nagko-cover lang sila at isinabay na rin ang charity event ni Ate Koring na super sexy na ngayon at mas naging mas mukhang bata nang pumayat.

vuukle comment

KORINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with