^

PSN Showbiz

Boy Abunda, kasama sa pararangalan ng faces of success

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Boy Abunda, kasama sa pararangalan ng faces of success
Boy Abunda
STAR/ File

Karamihan sa mga nagtatagumpay sa buhay ay nag-umpisa sa ibaba. At marami rin silang pi­nagdaanang lubak bago nakarating sa kinalalagyan.

Kaya naman kikilalanin ng Faces of Success 2021 ang mga naging kuwento ng kanilang buhay, ang mga ordinaryong tao na narating ang tagumpay sa pamamagitan ng pagsisikap.

Ang awardees ng Faces of Success 2021 ay mula sa iba’t ibang estado ng buhay – may ga­ling sa business industry, showbiz, entertainment and news industry, actors, directors, government sector, politicians, medical doctors, pageantry, fashion and tourism industry.

Kabilang sa mga awardee ngayong taon si Dr. Alvin Sahagun, ng Maharlika Party List na nagpo-promote ng maharlikan culture at nire-represent ang ang totoong identity ng indigenous people. Itinataguyod din nila ang pangunahing mga karapatang pantao ng mga katutubong pangkat at nilalarawan ang isang lipunan kung saan ganap silang nasisiyahan ang kanilang mga karapatan sa dignidad, pagkakapantay-pantay at kalayaan.

Kasama sa rin sa mga tatanggap ng award si Boy Abunda (entertainment sector) at Jane Camus Knof (beauty queen).

At kahit may global pandemic, tuloy ang pamamahagi nila ng parangal upang mabigyan ng inspirasyon ang mga taong nagsikap at narating ang tagumpay sa kabila ng mga nangyayari sa kapaligiran.

Gaganapin ang Faces of Success 2021 sa Teatrino Greenhills. Wala pang nakatakdang petsa.

vuukle comment

FACES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with