Alex, dusa sa pagpapadede

Nang-aliw na naman si Alex Gonzaga sa kanyang post tungkol sa kanyang pagpapadede sa anak na si Isaac.
Ginagawa raw pacifier ng anak ang nipple niya at nangangagat na.
Kaya hindi na raw ito nahahawakan ng mister ni Mikey.
“1 week kami lagi struggle para makadede ulit sya sa boobs ko… kagabi sa inis nya kinagat pa twice nips ko Thank you Lord, while Isaac is sleeping now I calmy gave him my breast and he latched!!! Walang drama at iyakan… kaso pa-30mins na ginawa ng pacifier naman dede ko but ok lang basta para sa anak!!! Tandaan mo anak, para sayo lang yan kahit si papa mo di na mahawakan yan hehehehe,” buong post ni Alex habang nagpapa-dede.
- Latest



















