^

PSN Showbiz

P7M na ang nagastos, K Brosas idinemanda ang contractor ng pinagagawang bahay!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
P7M na ang nagastos, K Brosas idinemanda ang contractor ng pinagagawang bahay!
K Brosas.

Kakalungkot ang karanasan ng komedyanang at TV host na si K Brosas sa sana’y pangarap niyang sariling bahay.

Tinakbuhan siya ng contractor kaya kinasuhan nito noong Biyernes.

Sa kanyang post, sinabi ni K na : “Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pag-upa ng townhouse at condominium unit. Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pag-aartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap,” umpisa niya matapos mag-file ng demanda noong Biyernes.

Dagdag niya : “Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.. masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi nakaharap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.. Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.

“Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day,” ang buong post ni K.

Hindi biro ang pitong milyon lalo na nga at walang nakakaalam kung kailan uli magiging normal ang showbiz.

Sayang ang pera at oras sa ganitong pangyayari.

Sana nga ay mabawi ni K, kundi man lahat pero at least may makuha siya.

Ngayong araw ay may zoom interview kami kay K kaya malalaman natin ang buong detalye ng nanloko sa kanyang contractor at kung anong nararamdaman niya ngayong officially ay may new home na ang anak niyang si Crystal kasama ang partner nito : “We’ve been dreaming of living together since we’ve started loving each other. Until now, I can’t believe we’ve accomplished a long-term goal in just a year.

“Happy 1st anniversary to us, my love! This is the best gift we’ve received to ourselves. And I can’t wait for our love to blossom with more accomplishments in the succeeding years to come. To many more  pasabogs in the next days! I love you so much! #TeamTaLa lang malakas!” post nito last July.

Maalalang last July din nang mag-out ang anak niya bilang isang lesbian.

Parang ang daming pinagdaanan ni K this year.

Last April of this year ay na-infect din siya ng coronavirus kung saan inamin niyang mild symptoms pero grabe raw ang mental torture na naranasan niya.

Bahagi ng post niya nang mag-negative sa COVID-19 months ago : “Anyway, hindi po biro tong virus na to, doble ingat.. kung malakas katawan mo o tingin mo kakayanin mo isipin mo yung mga di kakayanin na mahahawa mo.. social responsibility na lang. at wag kalimutan na yung mental health mo apektado sobra. salamat sa Diyos na kahit ano pa man nangyari saken, mas pinalakas ako at patuloy na lumalaban lang syet!”

vuukle comment

K BROSAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with