^

PSN Showbiz

BGYO, pasok sa no. 2 billboard next big sound chart

Pilipino Star Ngayon
BGYO, pasok sa no. 2 billboard next big sound chart
BGYO
STAR/ File

Pinaramdam ng breakout P-Pop group na BGYO sa international music scene ang kanilang bagsik sa pagpasok nila sa top 2 sa Billboard Next Big Sound chart nitong Linggo ng Mayo 15.

Sa Next Big Sound chart makikita ang pinakamabilis na sumikat na musical artists linggo linggo, base sa paglabas nito sa lahat ng kilalang social music sites.

Bago pumasok sa Next Big Sound Chart, umabot rin sa number 2 ang BGYO sa Next Big Sound’s Pandora Predictions Chart, kung saan kinikilala ang artists ayon sa kanilang malaking potensyal na sumikat.

Kasalukuyang napapakinggan sa iba’t ibang music platforms ang kalalabas pa lang na single ng grupo, ang He’s Into Her, na siya ring official theme song ng inaabangang ABS-CBN weekly series na pagbibidadahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Inaabangan na ng fans ng grupo ang parating na single nito na Feel Good Pilipinas kasama ang isa pang Star Music artist na si KZ Tandingan.

Unang naglabas sina Gelo, Akira, JL, Nate, at Mikki ng BGYO ng kanilang single na The Light nang sila’y ilunsad noong Enero nitong taon. Napapakinggan rin ito sa iba’t-ibang international streaming platforms, at umabot pa sa Top 5 iTunes chart.

Samantala, umabot na ng higit isang milyon ang views sa music video nito sa Facebook at YouTube.

Jessica Villarubin, gusting maka-inspire sa bagong single

Para sa kanyang ika-25 na kaarawan, may regalong handog ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin para sa lahat ng mayroong tinatagong insecurities.

Sa panibago niyang single under GMA Music na pinamagatang Beautiful, layunin ni Jessica na hikayatin ang listeners na mas mahalin ang kanilang mga sarili.

“‘Di lahat ng tao may lakas ng loob na maging confident sa sarili nila, kasi yung iba nahihiya, takot, at lalo na yung mga taong naka-experience ng bullying kagaya ko. I want to remind them also, that God made us beautiful. I hope this song will really inspire you to be brave, to get out of your shell and be the best version of yourself!”

Kagaya nga ng sabi sa lyrics na ‘to show the world who you truly are,’ hiling ni Jessica na ma-inspire ang mga makikinig sa kanyang naging journey upang maging matapang sa buhay kahit ano man ang sabihin ng iba.

Samantala, dapat ding abangan ang performance ni Jessica at ang pagpapalabas sa unang pagkakataon ng music video nito sa May 23 sa weekend musical variety program ng GMA na All-Out Sundays.

vuukle comment

SOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with