^

PSN Showbiz

Aga, may ‘bagong’ anak sa Miracle!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Aga, may ‘bagong’ anak sa Miracle!
Serena Pearl Eerlan.
STAR/ File

Super pretty baby ang six-year-old young daughter ni Aga Muhlach sa 2nd Miracle in Cell No. 7 na gagampanan ni Serena Pearl Eerland.

Ang original na Miracle in Cell No. 7 ay unang ipinalabas sa South Korea noong 2013 na nagkaroon ng mga bersyon sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Indonesia at Pilipinas.

Hanggang ginawan ito ng sequel ng Falcon Pictures ng Indonesia sa pamamagitan ng paggawa ng 2nd Miracle in Cell No. 7— na nagpapatuloy sa kuwento ng higit pa sa kung ano ang binuo ng mga Koreano.

At ito ang local adaptation ng Viva Communications with PhilStar Media Group na pinagbidahan pa rin ni Aga Muhlach na mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2026.

Maaalalang nag-number 1 sa Metro Manila Film Festival 2019 ang Miracle in Cell No. 7 kasama sina Xia Vigor at Bela Padilla.

Ngayon ang nasabing Indonesian sequel ang mapapanood sa Pasko at makakasama ni Aga sa pelikula sina Jodi Sta. Maria at Se­rena. Babalik naman si Xia Vigor bilang si Yesha.

AGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with